EWAN kung alam ni misis, pero hindi natatapos sa pag-aasawa nila ng kanyang mister ang relasyon niyon sa isang bading na matagal na niyong karelasyon. Kung magkapagpapagaan sa loob ni misis, at least isang bading lang ang pinakisamahan ng mister niya, hindi gaya ng problema ng isang female star na ang boyfriend ay palipat-lipat sa mga bading.
Hindi rin naman daw kasi maiwan agad ni mister ang bading, dahil ang feeling niya ang nangyari sa kanilang dalawa ay isang relasyon din. (Ed de Leon)