Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Jinggoy, grabe mag-alaga sa mga kapwa artista

SALUDO si Sylvia Sanchez kay Sen. Jinggoy Estrada sa grabeng pag-aalaga sa kanila sa set ng pelikulang Coming Home na intended for Summer Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni Sylvia, laging bumabaha ng pagkain sa set ng kanilang ginagawang pelikula, mapa-breakfast, lunch, meryenda, at dinner.

Biro nga Sylvia kay Jinggoy, baka tumaba siya nang husto kapag matagal natapos ang shooting ng kanilang pelikula.

Aniya pa, istorya ng pamilyang Pinoy ang Coming Home na ang kanyang asawa, played by Sen. Jinggoy ay isang OFW na nagkaroon ng mistress at doon na nag-umpisa ang gulo sa kanilang pamilya.

Kakaibang atake ng pagiging nanay dito ni Sylvia ang ginawa niya na malayong-malayo sa mga nanay role na ginampanan niya.

Makakasama nina Sylvia at Sen. Jinggoy sina Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Julian Estrada, Vin Abrenica, Martin Del Rosario, at Janna Agoncillo. Gaganap naman bilang mistress ni Sen. Jinggoy sa movie si Ms. Universe 3rd runner up Ariella Arida, na idinirehe ni Adolf Alix Jr..

Naabutan din naming bumisita sa shooting ng Coming Home ang CEO/President ng Beautederm na si Ms Rei Anicoche-Tan, malapit na kaibigan ni Sylvia. Si Sylvia ang kauna-unahang endorser ng Beautederm.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …