Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ann Colis, walang keber maghubad

KAPANA-PANABIK ang bagong series ng iWant TV, ang Fluid na pagbi­bidahan ni  Ro­xanne Barcelo, kasama si Janice De Belen na gaganap na ina niya, ang beauty queen na si Ann Colis, at Joross Gamboa. Idinirehe ito ni Benedict Mique.

Medyo kabado nga si Roxanne sa kanyang bagong proyekto dahil sa rami ng daring scene na kanyang gagawin katulad ng pakikipaglaplapan sa kapwa babae na ‘di lang isang beses kundi marami, dagdag pa rito ang pagpapakita niya ng skin.

At ang masuwerte ngang makakahalikan ni Roxanne ay si Ann na kapanabayan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nanalo.

Kung kinakabahan si Roxanne, game na game naman si Ann na makahalikan si Roxanne lalo na’t first acting project niya at may mga kaibigan itong tomboy.

Pero malaki ang paniniwala ni Roxanne sa kanilang director na aalagaan ang maseselan nilang eksena lalo na ang pagpapakita ng kauting skin na kinakailangan talaga sa eksena.

Katulad nga ng pinag-usapang Momol Nights ng iWant, tiyak pag-uusapan din ang Fluid lalo na’t timely ang pagpapalabas nito.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …