NAKAPASOK ang newcomer sa showbiz nang bigyan siya ng ilusyon ng isang director na wala pang kumikitang pelikula na puwede siyang artista. Mukhang puwede naman dahil may hitsura. Kaso bagong salta pa lang, may lumabas na siyang sex video sa internet, at nadiskaril na ang ambisyon niya. Pinasukan naman niya ang pagmo-model at pagiging endorser, at para makaporma, suma-sideline rin naman siya. Ang sideline niya, mambola ng mga bading, utangan ang mga iyon kung kaibigan na niya at kung marami na siyang nautang, pagtataguan na niya at hindi na niya kakausapin.
Marami-rami na rin pala siyang nabiktima sa kanyang modus maski na sa mga nasa showbiz, kaya ewan namin kung may kinabukasan pa ang male newcomer na iyan.
(Ed de Leon)