Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN congress kamara

Epektibong damage control, kailangan ng ABS-CBN

TINGNAN ninyo ang mga punto. Sinasabi nila hindi dapat na maisara ang ABS-CBN dahil mawawalan ng trabaho ang libo-libong mga tao na umaasa sa kanila, lalo na’t wala namang kasiguruhang may makukuha silang trabaho kung sakali. May mga nag-aalboroto rin dahil paano pa raw matatapos ang kanilang panonood ng Ang Probinsyano na apat na taon na nilang sinusubaybayan, at saka iyong Koreanovela na I Have A Lover kung isasara ang ABS-CBN.

Nakatawag ang ilang grupo ng media na iyon daw ay laban sa kalayaan ng pamamahayag, eh hindi naman ang sinasabing iyong sinasabi nila ang dahilan ng quo warranto kundi iyong ilang paglabag umano lalo na sa pagpapasok ng puhunan. Malaki ang kaibahan niyon. Parang sinuntok ka sa mukha, nagreklamo kang masakit ang tiyan mo.

Hindi organized iyong kanilang kilos eh. May mga empleado pang nanawagan sa mga tao na sumama sa isang sympathy rally doon sa Boy Scout Monument sa Timog. Dahil sila mismo kanya-kanya at walang coordination, iilan lang ang dumating doon. Kung halimbawa nanawagan si Vice Ganda na magpunta ang audience niya sa Timog at naroroon siya, gaano karaming tao ang darating? Kung biglang lumabas sa telebisyon iyong KathNiel at LizQuen at nanawagan sa mga tao na lumahok sa protesta laban sa pagpapasara ng ABS-CBN, aba baka mas marami pang tao iyan kaysa EDSA.

Makatatawag sila ng pansin. Kaso iilan nga ang dumating, kaya tinitingnan lang sila ng mga nagdaraang motorista na walang pakialam sa ipinaglalaban nila. Eh kung naroon ang KathNiel at LizQuen, sus baka napuno ang buong Timog at Morato. Kung sabihin pa nilang hindi na sila aalis doon hanggang walang extension ang franchise ng ABS-CBN, baka magkaroon ng emergency session ang Kongreso para madaliin ang usapan tungkol sa franchise nila. Iba ang dating niyong apektado ang tao eh. Iyon naman ang gusto nilang palabasin eh, apektado ang mga tao kung mawawala ang ABS-CBN.

Ano pa ang magagawa nila? Kung makukumbinsi nila ang mga taong natulungan ng kanilang mga public service program, halimbawa sabihin ni Kabayang Noli de Castro, ”lahat naman ng natulungan ko ipahayag ninyo iyan,” aba eh tingnan ninyo kung gaano karami iyan.

Iyong tinulungan nila kamakailan sa Batangas at Cavite. Iyong mga tinulungan nilang biktima ng lindol sa Mindanao. Iyong kanilang ginagawang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol diyan sa Novel Corona Virus, iyang serbisyo publiko ay mas mas mahalaga kaysa alin mang nagawa nila. Iyan ang dikdikin nila, iyong mga serbisyong maaaring mawala sa publiko kung mawala sila. Sabihin ninyo, sino bang gobyerno pati ang presidente ang magsasabing mali ang serbisyo sa publiko?

Sabihin na nating nagkaroon ng atraso ang management ni Gabby Lopez, aba eh ‘di ilabas naman ninyo kung ano ang mga nagawa ni Gina Lopez. Iyong Bantay Bata, hindi biro-birong serbisyo iyon. Iyong pagtatanim ng libong puno sa Balara at sa Montalban, hindi rin biro iyon. Iyon ang dapat ilabas ngayon, ano ang serbisyo sa publiko na nagawa ng ABS-CBN na mawawala basta nawala sila. Tiyak manghihinayang ang mga tao na mawala sila.

Kung sasabihin lang ninyo, mawawalan ng trabaho ang empleado ninyo, eh ano ba pakialam ng iba roon? Kung sasabihin ninyo hindi na ninyo maihahatid ang balita, eh ano may iba namang channels, at saka puwede pa rin naman ang ABS-CBN on line.

Ang sinasabi lang namin ngayon, may “damage” na sa kompanya. Ang kailangan ay isang epektibong “damage control”. Kung hindi ninyo magagawa iyan, sayang.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …