Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NORA AUNOR/SEPTEMBER 12,2012 Superstar Actress Nora Aunor during a visit to the Inquirer office in Makati City. “Thy Womb” won three awards for Mendoza at the recently concluded Venice International Film Festival. ARNOLD ALMACEN/INQUIRER

Nora, game nakipagsabunutan at gumulong sa putikan

NAPAPANGITI na lamang si Nora Aunor sa tuwing maaalala ang nakaraan nilang shooting ng magalinng na kontrabidabg si Isabel Rivas sa  Bilangin Natin ang mga Bituin.

Nagpa-parlor pa raw Guy ‘yun pala sasabunutan lang ang buhok niya ni Isabel.

Hindi tipo ni Nora na api-apihin at murahin ni isabel komo’t mayamang angkan ito.

Si Isabel ay asawa ni Dante Rivero.

Walang pinipiling eksena ang dalawa dahil umabot ang sabunutan nila sa putikan kahit naka—all white si isabel. Mabuti na lang parehong  malago ang hair ng dalawa at hindi naka-wig tiyak kasi mauuwi sa tawanan kapag nabunot ang wig ng isa.

Isa pa, ayaw ni Direk Laurice Guillen ang kunwaring sabunutan, gusto niya makatotohanan kaya maganda lumabas ang eksena.

 

Alden, madalas ang pa-abs

MABIGAT ang crying scene ni Alden Richards sa huling yugto ng The Gift. Nagamit niya ang mga itinurong style of acting noon sa kanya ni direk Cathy  Garcia-Molina.

Totoomg lumuha si Alden noong maghihiwalay na sila ng nanay niya sa istorya na ginagampanan ni Jo Berry.

Ibang-iba na si Alden ngayon na madalas magpakita ng absat naggi-gym. Kahit nasa bahay lang mukhang may pinaghahandaan.

May humuhulang ang pinaghahandaan nito ay ang susunod niyang gagawin sa Star Cinema.

 

Tampuhan ng mag-inang Sharon at KC, malalim

MALALIM ang hugot na pinangagalingan ng tampuhang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Minsang nabanggit ni Sharon na ni hindi man lang nagte-txt ang anak sa kanya kung nasasaan na ito.

Natural na mag-alala siya sa kanyang anak. Kaya sa mga namba-bash sa kanilq, tigilan na please. Hindi ninyo alam ang pinangagalingan ng kanilang tampuhan.

 

Pagsagot-sagot ni Lotlot kay Pilita, ‘di tama

HINDI maganda ang pagsagot-sagot ni Lotlot de Leon sa nanay ng asawa niyang si  Ramon Christopher, si Pilita Corrales.

Hindi naman l kahanga-hanga para sa fans ‘yung patutsadahan si Tita Pilita dahil sa pagsesemon sa anak niyang si Janine Gutierrez.

Kahit saang school? palaging itinuturo ang paggalang sa mga nakatatanda.   Bakit tila yata hindi ito napagdaanan ni Lotlot, ang gumalang sa nakatatanda.

 

Kimberly at NiÑo, itinanghal na Bb at G. Bulacan

MASAYA ang ginanap na pagpili sa Ginoo at Binibining Bulacan nna ginanap sa Hiyas Convention Center sa Malolos,  Bukacan.

Mismong si Gov. Daniel Fernando ang nag-abot ng mga gantimpala sa mga nanalo.

Napiling Bb. Bulacan si Kimberly Tiquetiigues ng Balagtas, Bulacan. Si Niño Allan de Ocampo naman ng Bocaue, Bulacan ang Lakan ng Bulacan. Si Anita Ramos ang Bb. Baliuag Tourism at si Revone Miranda ang Bb Bulacan Earth.

 

Pa-kontes ng Wowowin sa mga estudyante, palitan

MAGANDANG pagkakataon ang ibinigay ni Willie Revillame sa mga estudyante Para makasali sa mga pa-kontes aa kanyang show, ang Wowowin.

Dagdag allowance rin kasi ang mapapanalunan. May nag-suggedt lang na sa halip  na gumapang sa sahig,    sumakay sa sako, lumakad ng paluhod ang mga estudyante, bakit hindi na lang sila pakontes na mahahasa ang kanilang talino.

***

Happy birthday to February born—Freddie Aguilar, Baby Go, Myra Manibog, Cristine Reyes, Alex Brosas, Gerry Ocampo, Jenny Millet, Eddie Gutierrez, Daisy Romualdez, Blanca Gomez, Don Umali, John Pratts, Kris Aquino, Heart Evangelista.

Happy fiesta sa Subik, Baliuag, Bulacan. Magkakaroon ng healing mass si Father Jerry Orbos sa invitation na rin ng pangulo ng kapistahan na si Joseph Filosopo at si Noreen. Bukod dito may mga palaro at banda ng musikong imbitado sa naturang petsa.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …