MAGSA-SUMMER break ang Congress simula sa March 15. Ibig sabihin, hanggang March 14 na lang maaaring ayusin ang extention ng franchise ng ABS-CBN, kung iyon nga ay matutuloy pa. Bagama’t marami naman ang malakas ang fighting spirit at naniniwalang bago dumating ang panahong iyon ay mailulusot ang batas para mai-extend ang franchise, may nagsasabi namang gahol na ang panahon para iyon ay matapos nila at mabigyan ng pagkakataon ang senado na mapag-usapan iyon, although sinasabi nga nila wala naman silang nakikitang resistance ng senado sa ABS-CBN.
Kung makalulusot nga iyan sa congress, ipadadala iyan sa Malacanang para pirmahan ng presidente at maging isang batas. Maaaring i-veto ng presidente ang panukala, ibig sabihin hindi niya pipirmahan at ibabalik sa kongreso. Iyon ang malabo na. Kasi sa huling araw ng Marso, expired na ang broadcast franchise ng ABS-CBN.
Kung ang ibinalik sa kanilang panukalang batas ay muling pagtibayin ng Kongreso, ibabalik ulit iyon sa Malacanang para pirmahan ng presidente. Kung hindi iyan pipirmahan ng presidente, magiging batas iyan matapos ang 30 araw. Kaya nga ang sinasabing pag-asa na lang ay kung makakukuha sila ng provisional permit mula sa NTC para makapagpatuloy ng broadcast habang nakabitin pa ang kanilang franchise, o kaya magpatuloy na lang muna sila sa cable at on line.
Hindi nga umabot sa isang milyong pirma ang kanilang petisyon para sa franchise renewal. Wala rin namang l stars na sinasabing malalapit sa pangulo ang harapang sumusuporta sa franchise renewal. Lahat sila ay nagsasabing “depende iyan kay Presidente.”
Maski na iyong mga manghuhula nga, hindi mahulaan kung ano ang kasunod na mangyayari sa ABS-CBN.
HATAWAN
ni Ed de Leon