Tuesday , May 13 2025

Mikael iginiit, ‘di sikreto ang pagpapakasal nila ni Megan

PINAGKAGULUHAN ng mga press people ang bida ng pinakabagong teleserye ng Kapuso Network, ang Love of my Life, na si Mikael Daez. Lahat ay excited na matanong ang actor tungkol sa kasal nila ni Ms World 2013 Megan Young.

Mariin ngang itinanggi ni Mikael na itinago nila ni Megan ang kanilang pagpapakasal, nagkataon lang na limitado lang ang inimbitahan nila, yung pamilya at malalapit lang nilang kaibigan.

At sa kanilang pagpapakasal ni Megan ay walang nabago sa kanilang relasyon, “I think the way I love her now doesn’t change just because we got married.

Hindi naman puwedeng kapag nagpakasal tayo, super changed na ‘yung lambing ko sa ‘yo. Bakit doon lang? Bakit hindi ngayon? ‘Di ba? All-in na agad and that’s how we’ve been naman.

That’s why I say there’s no change. It’s literally a label.”

Sobrang happy si Mikael sa pagpasok sa buhay may asawa at mas inspired itong magtrabaho para na rin sa future ng kanyang pamilya.

Kabituin ni Mikael sa Love of My Life sina Rhian Ramos, Tom Rodriguez, Carla Abellana, Vaness Del Moral, Maey Bautista, Samantha Lopez, Geleen Eugenio, Anna Marin, Carl Guevarra, Dino Pastrano, Levi Ignacio, Raphael Landicho, Ethan Hariot and Ms Coney Reyes, directed by Don Michael Perez at napapanood na kapalit ng One Of The Baes ni Rita Daniela and Ken Chan.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *