KUWENTO ng mag-asawang nagmamahalan pero nagagawang saktan ang isa’t isa ang ginagampanang character nina Cristine Reyes at Xian Lim sa pelikulang Untrue ng Viva Films at IdeaFirst Company at mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa February 19.
At sa mediacon ng Untrue ay natanong sina Cristine at Xian sa kung sino ba ang mas baliw sa kanila base sa character nilang ginagampanan sa Untrue.
Ayon kay Cristine, ”Siguro kung ang pag-uusapan ay role, pareho silang baliw na umibig kasi feeling ko kapag umibig nababaliw, hindi puwedeng umibig na hindi ka nababaliw.”
Tsika naman ni Xian, “Sa role, I completely agree na pareho na lahat naman kapag umibig baliw.
“Pero I think sa totoong buhay, parang si Cristine ‘yun (mas baliw). Ha-hahaha!.”
Dagdag pa ni Xian, “Sa totoong buhay at sa sobrang pagkabaliw ni Cristine mayroon kaming mahabang eksena tapos acting-action tapos medyo naguluhan lang ako sa eksena namin sa park. Sabi niya sa akin, ‘Ano ba, ayusin mo!’ Kaya sabi ko, ‘Ha? Cristine saan nanggaling ‘yun?
“Pagkatapos (ng eksena), sabi niya ‘tapos na, okay let’s go!
“Dalawang karakter itong si Cristine kaya I think siya, from intense to nice, ang hirap timplahin.”
Bonus pa rito at mapapanood ang ilan sa magagandang lugar sa Georgia na kinunan ang mga eksena nina Cristine at Xian . Mapapanood ang Untrue sa Peb. 19 produced by Viva Films and line produced ng IdeaFirst Company. Directed by Sigrid Bernardo.
MATABIL
ni John Fontanilla