Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronnie at Loisa, ‘di lang for show ang relasyon

ANG sinasabi nilang kaibahan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay talagang magsyota sila. Hindi sila magka-love team lamang para sa kanilang pelikula, o tv show. Ang relasyon nila ay hindi “for show “ totohanan iyon.

Iyon ang sinasabi nilang advantage rin ng kanilang pelikulang James and Pat and Dave, dahil hindi mo masasabing arte lang ang performance nila, dahil totoo nga ang relasyon. Siguro ang hindi lang totoo roon ay iyong mayroong third party, at lalong hindi totoong ang third party ay si Donny Pangilinan. In fact ang sinasabi ni Donny, supported niya hindi lang ang pelikula kundi pati na ang relasyon nina Ronnie at Loisa.

May nagsasabi namang may disadvantage rin naman iyon. Paano may ibang leading man na si Loisa, o may ibang leading lady na si Ronnie? Baka wala nang maniwala sa kanila. Kaya nga ang pakiusap ni Ronnie, kung sakali at bibigyan sila ng project, “baka puwedeng kami na lang muna ang partners.”

Ganoon din naman ang sinasabi ni Loisa, na baka mailang siya kung hindi si Ronnie ang leading man niya, lalo na sa isang love story.

Ewan kung ano ang magiging dating niyan sa publiko, dahil kung natatandaan ninyo, noong gawin ni direk Ted Boborol iyong sinundan niyang Vince, Kath and James, hindi naman magsyota pa sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Naging magsyota sila later on, pero ngayon break na rin sila.

Mas magugustuhan ba ng mga tao iyong talagang magsyota na, o iyong magiging magsyota pa lang? Malalaman natin iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …