IYONG gagawing pelikula ni Aga Muhlach, isang remake na naman ng isang Korean film, iyong A Man and a Woman. Siyempre ganoon ang ipagagawa sa kanya dahil isipin nga naman ninyo, iyong nakaraang pelikula niyang ganoon kumita nang mahigit na P500-M. Inamin ng Viva na iyon ang pelikula nilang kumita nang pinakamalaki.
Mas malaki iyon kaysa kinita ng mga pelikula nina Sharon Cuneta, Robin Padilla at iba pa nilang naging artista in the past. Nasira niyon ang record sa takilya ng iba pang mga artista. At hanggang ngayon palabas pa sa ilang sinehan ang pelikula kahit mahigit isang buwan na. Kung ikukompara mo iyan sa kasunod nilang pelikula na ni hindi yata tumagal ng isang linggo sa mga sinehan, aba eh matindi talaga.
Buti nga aktibo na ulit si Aga.
HATAWAN
ni Ed de Leon