MUKHANG kawawa ang isang dating sexy male star na lumalabas sa mga pelikulang indie. Nang makita namin siya, tumaba, tumanda, at marusing na akala mo taong grasa na. Noong araw naman may hitsura iyan. Aminado siyang hindi maganda ang nangyari sa kanyang buhay, Naloko siya sa sugal at walang naipon. Nang malaunan, iniwan na rin siya ng asawa niya. Nilalapitan daw niya ang mga kaibigan niya sa showbusiness pero mukhang walang makatulong sa kanya kahit na ipasok man lang bilang extra.
Iyong mga director na nambola sa kanya noong araw, na gumawa ng mga kalaswaan sa mga pelikula, ni hindi na raw siya pinapansin.
Wala talagang pinakakawawang tao kaysa isang artistang lumubog at walang naipong pera. Maraming maaawa, pero walang tumutulong.
(Ed de Leon)