Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Larawan at video na nakikipaghalikan si James kay Issa, kalat na kalat; pandedenggoy umano, matagal na

KASABAY halos ng pagkalat ng isang statement na sinasabing “jointly” ginawa nina Nadine Lustre at James Reid, na opisyal na nagpahayag na totoong split na nga sila, may naglabasan ding mga tsismis na umano, talamak ang pandedenggoy ni James sa kanyang girlfriend.

Ang tinutukoy namin ay iyong lumalabas sa social media, mga malalabong pictures, iyong video naman ay malabo rin. Mukhang kuha lang ng cellphone sa isang party na magkasama sina James at Nadine. At habang nakatalikod si Nadine at ang atensiyon ay nasa disc jockey, makikitang nakikipaghalikan naman si James sa ibang babae na kinilala pa nilang si Issa Pressman, iyong kapatid ni Yassi Pressman.

Alam ninyo iyang paghahalikan, parang normal na iyan sa mga kabataan ngayon. Hindi rin naman nangangahulugan na kung naghahalikan ay may relasyon na. Sa parties, marami kang makikitang ganyan. Kahit na nga in public, doon sa mga bar sa Taguig, normal na iyan. Maski nga sa kalye sa labas ng bars naghahalikan sila eh.

Ang paniwala namin ganoon lang iyong halikan nina James at Issa. Bakit naman namin seseryosohin iyon eh hindi ba iyang si Issa mismo ang umamin na siya ay lesbian, at ipinakilala pa ang kanyang girlfriend na si Marga Bermudez? Paano namang mangyayari na siya ang magiging third party sa relasyon nina James at Nadine?

Iyong “third party”, piosibleng mayroon nga. Posible ring hindi lang naman isa kundi marami. Mahirap namang sabihin na nag-stick to one si James sa buong panahon ng relasyon nila ni Nadine. Malamang alam din naman ni Nadine iyon, pero nagtitiis siya para maisalba ang relasyon nila ni James.

Over confident naman iyang si James na ano man ang gawin niya hindi siya maiiwan ni Nadine dahil sobrang in love iyon sa kanya. At saka sa relasyon nila sino ba ang dehado? Walang mawawala kay James. Eh kay Nadine?

Kung sabihin nga nila, ang babae parang kotse, oras na ilabas mo sa casa, second hand na. Sa lalaki tanggap nila iyan ano man ang pinagdaanan. Kahit na sabihin mo pang naging asawa ng bakla iyan basta may hitsura, may papatol diyan.

Ang tanong nga namin sa sarili noong makita naming statement, papatulan ba namin ito?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …