Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, maganda ang pasok ng 2020

ISANG malaking karangalan para kay Judy Ann Santos na mapili para gumanap sa real life story ni Mother Lily Monteverde. Kabado ang aktres kaya’t todo ang pag-aaral sa mga karaniwang gawain ni Mother na kilala bilang ina ng pelikulang Filipino.

Malaking bagay ang pagkaka­panalo ni Juday bilang best actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival.

Bongga si Mother Lily dahil bukod sa best actress ang gaganap sa kanyang talambuhay, Teleserye Queen pa.

Hindi lang sa ‘Pinas nagwagi ng best actress si Juday, maging sa Cairo Film Festival ay siya ang naging best actess.

Kaya naman maganda ang pasok ng 2020 sa aktres.

May mga kahilingan na magkasama muli sila sa pelikula ni Piolo Pascual na sana’y matuloy.

Liza, ‘di dapat piliting sumali sa beauty contest

MAY mga nagtatanong kung bakit pinipilit sumali sa beauty contest si Liza Soberano gayung tila hindi naman interesado ang aktres.

May nagsasabing alam marahil ni Liza na hindi ganda lang ang puhunan kapag sumali sa ganoong contest.

Sabi nga ng iba, parang tumutulay sa alambre ang mga kandidata para manalo kung ano-ano kasing ipinagagawa sa kanila habang nagaganap ang contest.

Catriona, nakipag-kantahan kay Regine

IBANG klase palang magpasiklab itong si Miss Universe Catriona Gray. May singing talent siya at nakipag-compete pa sa Asia’s Songbird, Regine Velasquez.

Bongga at nakipagbiritan pa.

Teka totoo nga ba ang tsismis na type siya ni Alden Richards?

Anyway. bagay naman silang dalawa.

Edgar Allan, malayo na ang narating

MALAYO na talaga ang narating ni Edgar Allan Guzman. Marami siyang project ngayon, isa na ang pelikulang Mia.

Si EA ay naging Mr. Pogi noon sa Eat Bulaga at binigyan ng break ng Sex Bomb producer na si Joy Cancio bilang lead actor ng kanyang Daisy Siete.

Malaking naitulong kay EA ang naturang serye para magamit ang talent sa mga ginagampanan niya ngayon.

***

BIRTHDAY greetings to January born—Piolo Pascual, Carla Abellana, Sen. Ralph Recto, Ruby Ann, Tet Antiquera, Bentong, Nap Alip, John Henry Gonzales, at Kane Choa ng ABS-CBN Corpcom.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …