Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, sasabak na sa mga sexy role

BUKOD sa mga picture nilang akala mo nagha-honeymoon sa Brazil, hataw din ang labas ng mga sexy picture ni Nadine Lustre na lumalabas sa mismong social media account niya. Maaaring nasa abroad nga siya at ang naglalabas niyon ay ang kanyang account administrator, pero sigurado pinayagan niya ang paglalabas niyon.

Mukha ngang desidido si Nadine na sa kanyang pagbabalik, susubukan na niya ang mga sexy role. Mukhang puwede naman dahil nang makita nga namin ang mga picture, ang naalala namin ay si Alma Moreno noong panahon ng kanyang kasikatan. Aba noong nagbo-bold si Alma, ang pelikula niya lumalaban kina Nora Aunor at Vilma Santos. May panahon pa ngang tinawag siyang “third superstar.”

Pero sa panahong ito na marami nang nakikita ang mga tao sa pelikula, hindi na puwede iyong mga gaya lang ng ginawa ni Alma. Mas matindi na ang pagpapa-sexy ngayon. Nakahanda na bang lumaban ng totoong hubaran si Nadine?

Iba-iba na naman ang magiging reaksiyon ng fans diyan. May fans na aayaw at ang gusto ay gaya pa rin ng dati ang love team nila ni James Reid. May fans namang gusto dahil iyan ang nakikita nilang paraan para malampasan ng popularidad ni Nadine ang ibang young female stars.

Bakit, hindi rin ba maaaring magpa-sexy si James?

Kung kami kasi ang tatanungin, mukhang masyado nang saturated ngayon iyong market ng wholesome love teams. Kopo na ng KathNiel ang market. Iyon ngang LizQuen hirap pang umabante. Iyong AlDub wala na. Iyan namang JaDine, ang tagal kasing natulog at hindi nga maganda ang naging resulta ng mga huling pelikula ni Nadine. Mukhang pabor nga kami sa isang mas sexy na love team nila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …