Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jiro, sabit lang sa gulo?

KUNG totoo ang sinasabi ng ilang testigo na naglabas ng kanilang nakita sa social media, aba eh kawawa nga si Jiro Manio. Si Jiro ay nakakulong ngayon sa Marikina Police Station matapos na siya ay sampahan ng kasong frustrated homicide, matapos na sinasabing saksakin niya ang biktimang kinilalang si Zeus Doctolero.

Ayon sa report ng pulisya, sinugod daw ni Jiro si Doctolero na naglalakad lamang sa kalye at sinaksak sa hindi malamang dahilan. Hindi ganoon ang sinasabi ng isang nakakita. Ayon sa isang Allan Tembong Llianko, nakita niya at ng kanyang mga kasamahan ang buong pangyayari. Nilapitan daw ng sinasabing biktima si Jiro, pinukpok nang helmet ng dalawang ulit. May umawat na umano, pero nilapitan pang muli ni Doctolero si Jiro at muling hinambalos ng helmet. Doon lang daw lumaban si Jiro at nagkaroon nga ng gulo.

Mayroon namang isa pa, iyong Genevieve Galvez na nagsabing si Doctolero ay stalker niya, at talagang ipahuhuli na nila sa pulis nang magpunta sa bahay nila. Noon daw paalis na iyon, at saka nasalubong si Jiro na wala namang kinalaman sa kanila.

Pero hindi puwedeng kuwento at social media lang. Kung talagang totoo ang sinasabi nila, aba eh kawawa naman si Jiro na siyang nadidiin. Dapat magbigay sila ng statememt sa pulisya dahil kung hindi nila gagawin iyon, walang mangyayari at si Jiro nga ang mapuputukan ng lahat ng iyan.

Kung totoo ang sinasabi ng dalawang iyan, sabit lang pala si Jiro at nangyari lamang iyon dahil siya ang napagbalingan niyong si Doctolero.  Pero ano nga ba ang totoo?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …