Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Precious Lara Quigaman, ‘di lang puro ganda

HINDI lang pala pang beauty queen ang aura ni Precious Lara Quigaman, isa rin siyang aktres na pinatunayan sa The Killer Bride.

Double character dito si Lara na noo’y mahinhing tiyahin ni Maja Salvador pero matapang palang babae na pumapatay ng lihim.

Wala ring takot si Maja sa action na mistula siyang tomboyin nang makipaglaban sa mga stuntman. Hindi rin nagpatalbog sina Janella Salvador at Alexa Ilacad sa acting na both are very promising stars ng Kapamilya.

Parada ng mga Sto. NiÑo, gaganapin sa Baliuag, Bulacan

SA third week ng January magkakaroon ng grand procession of different images ng Sto. Niño na gaganapin sa Poblacion ng Baliuag, Bulacan. Ito ay sa kagandahang loob ng Baliuag Hermano Mayor, Jorge Allan Tengco.

Naimbitahan ang Sto. Niño de Quiapo bilang special guest sa procession kaya’t malaking opurtunidad na makita ng mga taga-Baliuag ang Sto. Nino na hindi na kailangan pang lumuwas dahil sila na mismo ang dadalawin ng patron saint.

Ilan sa mga civic minded na taga-Baliuag ang tumulong para maisakatuparan ito tulad nina mayora Sonya Estrella, Mayor Ferdie Estrella, Amy Rodriguez Tengco, Ka-Miring Rodriguez, Beth Marcelo Valenzuela, Eduarda Salvador dela Merced, Fortune Quiambao, Fellie Garcia, at Letty Buenaventura.

***

BIRTHDAY greetings to January born—Alden Richards, Vhong Navarro, Vivianne Lorraine, Barbara Perez, Mark Anthony Fernandez, Flerida Pinili Inductivo ng New York at sa aking anak na si John Henry Gonzales. (VIR GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …