Sunday , November 24 2024

Pelikula ni Aga, hataw pa rin; bottom holder sa MMFF, award ‘di nakatulong

BUKAS, opisyal nang tapos ang Metro Manila Film Festival. Sa Miyerkoles, papasok na ang mga pelikulang Ingles, kabilang na nga ang inaabangan naming Star Wars. May palagay kami na may isa o dalawa pang pelikula sa MMFF ang maaaring ipalabas ng isang linggo pa pagkatapos ng festival. Mukhang kaya pa nila. Hanggang nitong huling weekend, mahaba pa ang pila sa pelikula ni Aga Muhlach na siyang naging top grosser sa taong ito.

Walang naglalabas ng official gross. Gagawin iyan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang ilang buwan siguro. Kasi ayaw nilang malaman din ng mga tao kung anong mga pelikula ang hindi talaga kumita, dahil kung lalabas iyon, lalong walang manonood ng mga iyon. Pero hindi man nila ilabas, alam naman ng mga tao na ang apat na huling pelikula ay balolang nang lahat. Ang gagawin lang nila, titingnan nila kung anong pelikula at sinong mga artista ang binigyan ng award. Iyon ang mga balolang na hindi kumita talaga.

Ano mang alibi ang sabihin, maliwanag na sadyang pinili nilang ibigay ang mga award sa mga pelikulang hindi kumikita, pati na nga best float eh. Gusto kasi nilang tulungan ang mga bottom holder. Tutal wala namang makaka-kuwestiyon kung ano man ang ilabas na desisyon ng mga hurado. Pero ang nangibabaw pa rin ay kung ano ang gusto ng mga tao. Kumita pa rin ang mga pelikulang pinaniniwalaan nilang maganda. Maliwanag sa nangyari na hindi nga nakakatulong ang awards para kumita ang pelikula.

Humakot ng napakaraming awards sina Judy Ann Santos, pero nakikiusap silang huwag naman silang alisan ng sinehan. Dinagdagan naman sila ng sinehan, pero hindi pa rin kumita. Hindi kasi iyon ang people’s choice, at alam naman nila iyon from the start. Gumawa sila ng pelikula para maisali sa mga festival sa abroad at manalo ng award. Inisip ba nila na ang pelikula nila ay magiging box office hit?

Parang si Nora Aunor iyan eh. Sikat si Nora. Ang dami niyang fans. Pero gumawa siya ng indie at isinali sa festival, hindi ba nangamote rin siya at after the first day wala na rin siyang sinehan?

Tanggapin na natin ang katotohanan, basta festival, ang mangingibabaw kung ano ang gusto ng mga nagbabayad para manood ng sine, hindi iyong gusto ng mga kritiko na gumagamit ng passes para panoorin ang mga pelikula.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *