WALA na. Talagang hanggang doon na lang ang buhay ni male star. Hindi naman kasi natuloy ang sinasabing mga project niya, kaya ang tsismis, nagbakasyon siya sa abroad nang mag-isa lang. Pero ang totoo pala, sa abroad ay may naghihintay na sa kanya. Isang gay millionaire na walang maitutulong sa kanyang career, pero makatutulong sa kanya habang wala pang patutunguhan ang kanyang career.
Eh sa takbo naman ng sitwasyon niya sa ngayon mukhang wala na siyang maaasahan talaga. Hindi naman kasi ganoon katindi ang talent niya, nagkataon nga lang na pogi siya at nakabola noong una. Kaso nang sumikat naman, medyo lumaki ang ulo agad.
Ngayon, wala na siyang career.
(Ed de Leon)