KAWAWA naman si matinee idol. Kung kailan nga sinasabing walang nangyayari sa kanyang career, at mukhang laos na siya kahit na hindi pa naman siguro, at saka naman kumakalat ngayon ang mga tsismis na nangyari noong araw pa.
Ewan kung bakit hanggang ngayon ay inuungkat pa ang kanyang naging mga gay experiences in the past, na siguro noong panahong iyon ay nagawa naman niya dahil sa pangangailangan. Ngayon matindi na naman ang pangangailangan niya dahil walang projects, baka nga kaya lumalabas ulit iyan.
May nagkakalat na baka nga mamaya bumalik siya sa rati niyang sideline. (Ed de Leon)