Thursday , December 26 2024

Aga Muhlach, panalong-panalo sa puso ng masa

BAKIT natalong best actor si Aga Muhlach?” Ang tanungan ng ilang kasamahan namin sa trabaho. Aba hindi. Hindi po natalo si Aga Muhlach bilang best actor. Hindi siya ang tumanggap ng trophy at niyong pabuyang P100,000 na ibinigay ng isang multi-level marketing firm, pero siya ang pinili ng publiko kaya nga kumikita nang malaki ang pelikula niyang Miracle in Cell No.7.

Actually noong kumita nang todo ang kanyang pelikula, na tinalo pa sina Coco Martin at Vic Sotto sa unang dalawang araw, alam na namin “goodbye awards” na si Aga. Kasi iyang Metro Manila Film Festival, ang awards ibinibigay talaga niyan sa mga artista at pelikulang hindi kumikita. Umaasa kasi sila na baka may maniwala sa kanilang award at magbago ang box office trend, pero karaniwan namang wala.

Hindi rin naman bago sa MMFF iyang pagbibigay ng award sa isang hindi popular choice. Nakalimutan na ba ninyong minsan ay tinalo ni Baldo Marro si Christopher de Leon bilang best actor diyan sa MMFF? Kaya hindi na bago iyan. Hindi na kayo dapat mabigla. Tutal manalo ka mang best actor o best actress diyan, iyong karangalan mo pang-sampung araw lang iyon. Pagkatapos ng festival wala na iyon.

Kung manalo ka man ng award, lugi ka naman at nagmamakaawang huwag alisin ang sinehan ng mga pelikula mo, ano ang kalalabasan mo in the end? Hindi ba nganga rin? Kaya nanalo si Aga dahil ang pelikula niya ay kumikita nang malaki at ang paniwala ng mas maraming tao, napakahusay niyang actor. Kung hindi ba naman panonoorin siya ng ganoon karaming tao?

Ang laban ay laging sino ba ang napili ng iilang miyembro ng jury? Sino ba ang napili ng mas maraming fans at masang nagbabayad para manood ng sine? Sino ba ang mas makapangyarihan? In the end, ang pakikinggan mo ay ang masa, hindi lang mas marami sila, sila rin ang dahilan kung bakit may industriya ng pelikula. Kung walang nanonood ng sine, may industriya ba?

Kung wala ang masang nanonood ng pelikula, saan nila kukunin ang paghahatiang kita ng Mowelfund, FAP, Optical Media Board, Task Force on Anti Piracy, at ang “cash gifts” na ibinibigay sa mga tauhan ng MMDA?

Kaya ang boss, ang talagang mahalaga riyan ay iyong nanonood ng sine at nagbabayad.

Halimbawa, kahit kailan hindi nanalo ng award si Vice Ganda at hindi naman siya nag-ambisyon. Pero sabihin ninyo sa amin, kaninong pelikula ang inaabangan taon-taon? Hindi rin namin natandaang binigyan ng pagpapahalaga ang talents ni Vic Sotto, pero sino ba ang kinikilala ng publiko? Simple lang iyan, iyong mga nananalo ng awards hindi kumikita iyan. Basta kumikita naman ang pelikula, ano mang ganda niyan hindi na mananalo sa MMFF. Kahit na nga Ten Commandments ipalabas mo sa MMFF hindi na mananalo ng awards eh kasi kikita nang tiyak.

Kaya nga kung minsan sa isang usapan, nagkatawanan dahil iyan daw awards sa MMFF mukhang may taglay na malas, kasi ang nananalo nganga naman sa takilya, at ano ba ang mahalaga para magpatuloy ang industriya? Hindi ba ang kita?

Kaya kami nga, ni minsan hindi kami nagkaroon ng interest na mag-cover ng awards night niyang MMFF, kasi alam mo naman eh, iyong mananalo hindi kumikita iyan. Ayaw ngang panoorin ng mga tao eh, palagay kaya ninyo babasahin din iyan kung isusulat mo man?

Dapat iyang mga hindi kumikitang pelikula, pagkatapos ng awards, ibagsak na nila ang admission prices sa halagang P150, at sa pinto may naghihintay nang mag-aabot ng libreng popcorn at soft drinks sa mga manonood. Kumuha rin sila ng barker para magtawag ng tao.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *