Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Locsin, ‘di dapat naglimos sa batang street boy

NAKUNAN  ng picture si Angel Locsin na nagbibigay ng biscuit sa isang street boy na namamalimos. Bata pa talaga iyon. Siguro naawa naman si Angel, at saka alam naman natin na basta sa charity okey iyan. Pero parang mali rin ang ginawa ni Angel. Sa pagbibigay niya sa batang pulubing iyon, lalo lang iyong masasanay na manghingi sa kalsada. Hindi sila aalis dahil may nagbibigay kahit na iyon ay delikado para sa kanila. Paano kung maaksidente sila sa kanilang pamamalimos?

Kaya nga may batas na bawal ang pamamalimos ng mga bata, at kung mahuhuli, hindi ang mga nagpapalimos ang mananagot kundi ang mga magulang dahil sa pagpapabaya, at maging ang mga naglilimos dahil kinukunsinti nila ang mendicancy. Baka hindi alam ni Angel iyon. Baka mahuli pa siya.

Samahan n’yo pa rin kami

LASTLY, gusto namin kayong batiin ng isang napakaligayang Pasko at napaka-masaganang Bagong Taon. Kami po rito sa Hataw, ganyan ang feeling pagkatapos ng aming Christmas party. Salamat kay Boss Jerry Yap, isang publisher na hindi balasubas kagaya ng iba riyan.

Sa lahat din ng aming mga mambabasa, na sa buong isang taon ay nakasama namin, nawa’y makasama namin kayo araw-araw sa papasok na bagong taon.

Magbabalik po kami sa January. Hintayin po ninyo ulit ang tsismis namin.

Muli, Merry Christmas and a Happy New Year!

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …