Friday , November 15 2024

17 PNP na inabsuwelto sa Ampatuan Massacre bakit ibabalik sa PNP?

POSIBLENG makabalik sa serbisyo ang 17 pulis na kabilang sa mga inab­suwelto ng hukuman sa karumal-dumal na Maguindanao Mas­sacre, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Pinag-aaralan at pinaghahandaan na rin daw ng PNP sakaling ang mga naabsuwelto ay mag-apply na maibalik sa full-duty status.

Santisima!

Dahil ba sa inabsuwelto ay dapat silang makabalik sa serbisyo bilang mga alagad ng batas o hindi?

Maliwanag kasi sa ibinabang hatol ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221, sila ay napawalang sala dahil sa “reasonable doubt” at hindi dahil sa sila’y inosente sa karumal-dumal na krimen.

Ayon sa batas, beyond reasonable doubt ang pagpataw ng hatol ay wala ni katiting na pagdududang nagkasala ang akusado.

Kahit pa totoong nagkasala ay balewala rin kapag sa paglilitis ay hindi ito napatunayan base sa mga ebidensiya ng prosecution o taga-usig.

Sa kanyang desisyon, sabi ng hukom:

“It stands to reason therefore, that while they may have heard the bursts of gunfire after said convoy had passed, their failure to report the same or respond thereto should not be taken against them, given that burst of gunfires is considered a normal occurrence in their place, the peace and order situation being one of the major problems therein since time immemorial.”

Kung uunawain ang nasasaad sa desisyon, alam pala ng hukom na ang peace and order ay pangunahing problema sa Maguindanao nang maganap ang maramihang pagpatay.

Sana lang ay naisip din ni Reyes na ang mga pulis sa Maguindanao ay mistulang parang private army na sunud-sunuran lang sa pamilya Ampatuan nang maganap ang krimen?

Kulang man ang ebidensiya ng taga-usig na magsasabing kasama ang mga naabsuwelto sa mga pumatay, wala bang cover-up na nangyari o pagtatakip ang mga pulis sa krimen?

Malinaw na hindi ginampanan ng mga naabsuweltong pulis ang sinumpaang tungkulin sa pagpapatupad ng batas kaya sila napabilang sa mga nasampahan ng kaso.

Pasado ba silang makabalik sa serbisyo kung kuwestiyonable ang kanilang katapatan?

Puwede siguro silang ibalik sa PNP kung wala nang matitinong nilalang na gustong maglilingkod nang totohanan sa bansa at mamamayan, at hindi gagamitin ang uniporme para sa kanilang pansariling kapakanan lamang.

Naabsuwelto man sila sa krimen, sa dereliction of duty o pagpapabaya sa tungkulin ay hindi sila lusot.

Absuwelto lang sila sa hukom, pero hindi sa bar of public opinion.

‘TROPANG LAPID FIRE’ WORLDWIDE NA

NAIS nating pasalamatan ang ilan sa patuloy na lumalagong bilang ng mga tagasubaybay ng ating malaganap na programa – ang ‘Lapid Fire’ sa Radyo Bandido (810 Khz/AM) na sabayang napapanood sa Sky Cable Channel 224, Digital Boxes, TV Plus, live streaming sa Facebook at You Tube.

Unahin natin ang mga bumubuo sa Tropang Lapid Fire, isang civic oriented organization na nakatakdang ilunsad kasabay ng 13th Year Anniversary ng ating programa sa Marso 2020.

Ang pinaghahandaang okasyon ay tatam­pukan ng panunumpa ng mga opisyal at miyembro ng binubuong grupo at paggawad ng parangal sa mga private at government personalities, at ang paglulunsad ng iba pang mga proyekto.

Ilan sa mga opisyal at miyembro ng Tropang Lapid Fire ay sina: Ramon and Arlene Varias (Amsterdam); Jundy Valencia; Ka Annie Flormata Saludes; Ka Enyang Mina; Rosemarie Victoria, Carmela Torres Balcos; Carol Torres Briginio; Eula Sotelo; Jorge Baetiong (Tokyo); Carolina Lugue at Joel Diaz (Italy); Andres Bonifacio (Michigan); Rosita Di Sy; Ka Maita Basilio (Geneva); Susana delos Santos; Ella Samson Alviar; Atty. Berteni “Toto” Causing; Magdalena Dumlao; Raul Villanada; Gerry Grad (Los Angeles); Marlene Rojas; Nestor Estrella (Taiwan); at Luningning M. Barawed.

Ang mga pangalan ng iba pa na ating pasasa­lamatan dahil sa walang-sawang pagsubaybay sa ating programa ay itatampok natin sa susunod na kolum.

Happy Holidays po sa inyong lahat!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *