KUNG sabihin nga nila, si Sarah Geronimo ay protégé ni Regine Velasquez, dahil sumikat iyon nang maging champion sa singing contest na si Regine ang host, iyong Star for A Night. Pero noong pagsamahin sila sa isang concert, maski kami nag-isip kung tama ba iyon.
Magkapareho halos ang kanilang style. Iisa ang kanilang market. Kung iyan ay mas kumita nang malaki, sasabihin ng mga tao dahil kay Sarah iyon, dahil nang magsama sina Regine at Sharon Cuneta, hindi rin naman masyadong malaki.
Siyempre hindi naman papayag ang mga fan ni Regine sa ganoong usapan, sasabihin nila na discovery lang ni Regine si Sarah.
Talagang hindi maiiwasan ang pagtatalo na nangyayari na nga. Isang simpleng social media post lang na sinabi ng kapatid ni Regine na “sold out na kami,” ang hindi nagustuhan ng fans ni Sarah dahil para raw sinasarili ng kampo ni Regine ang credit ganoong higit na marami roon ang fans ni Sarah. Galit din ang fans ni Sarah, dahil nang bumibili raw sila ng VIP seats, sinabing wala na dahil ang natitira ay reserved para sa grupo ni Regine. Natural iyon, pinaghatian ang tickets. Iyong fans ni Sarah nabili nang lahat ang allotted sa kanila, kaya nang may gusto pang bumili, sinasabing allotted iyon para sa grupo ni Regine at hindi na puwedeng ipagbili sa kanila.
Ang masakit ngayon, may nagbabanta pang kung ganyan lang din naman daw ang treatment sa kanila, hindi na lang sila manonood ng concert. Hihintayin na lang nila ang solo concert ni Sarah, na nagagawa naman nilang punuin ang venue kahit na sila lang.
Hindi mo maiiwasan ang ganyan. Hindi mo rin naman maiiwasan ang magkaroon ng kampihan. Tiyak kasi may makikisawsaw pa riyan. Pero sa totoo lang, para mapatunayan talaga ang lakas ng isang performer, hindi talaga tama iyang ganyang mga concert na buy one take one. Ok lang iyan kung palaos na ang singer at hindi na kayang makapuno ng venue, i-buy one take one mo na.
Tax rebate ng mga elitista mas cheap kaysa comedy nina Vice at Pokwang
SA pagkakataong ito, kampi kami kina Vice Ganda at Pokwang, laban sa mga elitistang nagsasabing ang kanilang ginagawa ay cheap comedy. Ano iyang sinasabi ninyong cheap comedy, eh ngayon nga inaasahang iyang The Mall The Merrier, at iyong Mission Unstapabol ang magiging top grossers. Masasabi ba ninyong cheap iyong gustong panoorin ng mga tao?
Hindi ba mas cheap iyong ginagawa ng mga elitista na umaasa sa “tax rebate” na wala na ngayon at sa kung ano-anong subsidy para matapos ang mga pelikula nilang hindi naman pinanonood ng mga tao? Tapos aawayin nila ang mga sinehan na akala mo inaapi sila. Mas cheap sila.
HATAWAN!
ni Ed de Leon