ITONG taong ito lang mukhang pumalya ang Walk of Fame Philippines sa pagbibigay parangal sa mga artista. Hindi yata sila nagdagdag ng stars sa kanilang Walk of Fame. Napakalaking gastos din naman iyan eh. Iyong isang star, nagkakahalaga na ngayon ng halos P50,000 ang isa.
Noong araw napakabilis ng ginawa nilang development, kasi si Kuya Germs Moreno mismo ang gumagastos sa Walk of Fame na iyan, at lahat iyon mula sa sarili niyang bulsa. Nasimulan na kasi eh, at si Kuya Germs walang inisip iyan kundi ang pagpaparangal sa mga kapwa niya artista.
Ngayon ang nagdagdag lang sa Walk of Fame nila iyong Channel 7.
Nandoon lang iyon sa paligid ng kanilang studio, at saka ang nakalagay doon puro mga artista at tauhan ng Channel 7. Walang artista roon na mula sa ibang kompanya.
HATAWAN!
ni Ed de Leon