HINDI raw nakatiis ang staff ng isang production company at pinilit nilang maligo muna sa isang dressing room ang male star bago iyon humarap sa mga network executive para pumirma ng kontrata. Totoo, sabi nila, na hindi kaaya-aya ang amoy niya.
Sayang kung iisipin, guwapo pa namang bata tapos hindi marunong mag-maintain nang tamang hygiene. Nakaiilang nga naman iyong may kasama kang hindi mo maiiwasang maamoy. At iyang ganyang amoy, hindi iyan maitatago kahit na ng mamahaling pabango, mangingibabaw pa rin ang hindi magandang amoy ng katawan.
Lalo na nga kung amoy CR talaga. (Ed de Leon)