MAY mga nagtatanong kung exciting pa kayang manood ng pelikulang lahok sa Metro Manila Film Festival kung parehong halos araw-araw mong napapanood sa telebisyon katulad ng movie nina Coco Martin at Vice Ganda?
Malaking factor sana ‘yung mga kalahok na bihirang mapanood kaso problema ring malaki kung mga the who naman ang mga gumaganap.
Well, let’s see kung sinong kakagatin ng masa kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan.
Kasalang LT at Rowell, guguluhin
MATINDING drama ang hatid ng Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil may nagbabantang guluhin ang wedding nina Rowell Santiago at Lorna Tolentino.
May mga nagtataka at nagtatanong kung hindi ba nakilala ni Coco si Romnick Sarmenta na nakaaway niya noong kumain sa karinderya ni Lola Flora (Susan Roces). Hindi man lang niya ito nahalatang siyang sumugat sa kanya habang nag-aaway sila.
Komite sa MMFF awards night, lehitimo ba?
MAY mga suggestion na sana sa darating na awards night ng Metro Manil Film Festival ay mga lehitimong taga-showbiz ang mamili para may karapatang humatol talaga sa mga mananalo.
Marami ring nagsasabi na parang incomplete ang daratinng na festival dahil walang lahok ang Regal Film na mistulang si Mother Lily Monteverde ang nagpasimula ng festival. Remember hindi nga ba almost dying ang showbiz noon nang maisipan ni Mader na gumawa ng pito-pito movie para may mapanood ang mga tagahanga?
Hay sa showbiz hindi talaga uso ang pagtanaw ng utang na loob. Hindi pinalusot ang mga lahok ni mother dahil dumami mga movie independent at indie films producers.
Sayawang Pamasko sa Baliuag, tagumpay
MASAYA ang ginanap na Sayawang Pamasko sa kalye ng Baliuag noong Friday na inisponsoran ng kanilang mayor, si Ferdy Estrella katuwang ang inang si Mayora Sonya Estrella.
Ibang klase ang mga kabataang taga-Baliuag, very energetic sila at punompuno ng magandang pangako ng kinabukasan. One hundred thousand pesos ang first prizem P70,000 ang second, at P50,000 ang pangatlo. May premyo rin ang mga hindi nananalo dahil sa gamit nilang magagarbong damit.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales