Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, ayaw gumawa ng basurang pelikula

HINDI pina-prioritize ng mabait at very generous Kapamilya actor at lead actor/scriptwriter/director, at producer ng 3Pol Trobol Huli Ka Balbon! ng CCM Film Productions at mapapanood sa December 25 na mag-number one sa takilya.

Kuwento nga ni Coco sa grand presscon ng 3Pol Trobol Huli Ka Balbon, na ang mahalaga sa kanya ay maganda ang pagkagawa ng kanilang pelikula at magugustuhan ng mga manonood.

Ayaw nitong mapintasan ang kanyang movie kaya tiniyak niyang maganda ang pagkakagawa. Nakahihiya naman kasi sa mga kinuha niyang artista baka sa susunod ay hindi na pumayag umarte sa kanyang pelikula.

Kung sabagay sa trailer pa lang, kitang-kita na ang kalidad ng pagkakagawa, maganda at kompletos rekados dahil may aksiyon, drama, romance, at comedy. Kaya naman isa ito sa mga pelikula sa 2019 MMFF na dapat panoorin.

Kahituin ni Coco sa 3Pol Trobol Huli Ka Balbon! ang Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas, Multi-Media Star Jennylyn Mercado, award winning actors Edu Manzano at Tirso Cruz IIISam MilbyJoey MarquezCarmi MartinMitch ValdesJohn PratsMark LapidBianca ManaloPJ EdrinalSuper TeklaBoobsie WonderlandMarc Solis, Lester LlansangJohn MedinaDonna CariagaSancho Delas AlasBassilyo,  Smugglaz, Happy, Soliman CruzJhong HilarioPing MedinaKim MolinaPepe HerreraLong MejiaLou VelosoMarissa DelgadoWhitney TysonBernard PalancaAli KhatibiPaolo ParaisoIvana Alawi, at may espesyal na partisipasyon si Yorme Isko Moreno.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …