Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Paggawa sana ng pelikula ni Ate Vi bago matapos ang taon, naudlot na naman

PANAY ang hiling ng mga Vilmanian. May sumusulat. May nagte-text. May mga nagco-comment sa social media pero iisa ang kanilang sinasabi, “Ate Vi sana gumawa ka na ng pelikula.”

Saglit lang natigil iyon, nang mismong si Ate Vi ang nagsabing gusto niyang gumawa kahit na isang pelikula lamang bago matapos ang taong ito, dahil alam naman niya ang kahilingan ng fans at saka matagal na rin naman siyang hindi gumagawa ng pelikula talaga. Kaso, natambakan naman siya ng napakaraming bagay na kailangang asikasuhin at nawalan na naman siya ng panahong basahin man lang ang mga script ng mga proyektong iniaalok sa kanya.

Ang dami na ngang scripts eh, kaya nasasabi rin ni Ate Vi, “nahihiya na nga ako sa mga nagpapadala ng project proposals eh, pero problema ko talaga ang panahon. Isa pa, at inaamin ko naman iyan, hindi na ako bata at hindi ko na kayang gawin ang klase ng trabahong ginagawa ko noong talagang full time akong artista. Minsan iniisip ko rin, baka unfair sa mga producer kung tatagal ang shooting dahil sa schedule ko.

“I just hope dagdagan pa ng Vilmanians ang pasensiya nila. Alam ko naman kung ano ang gusto nila. Nakakarating sa akin lahat iyon. Natutuwa rin ako na kahit na wala akong showbiz activity, nagkikita-kita pa rin sila. Nagtutulungan sila. After all iyon naman ang goal, nagiging mabuting magkakaibigan sila. Halos parang magkakapatid na, at nariyan sila hindi lang naman para humanga sa akin,” sabi ni Ate Vi.

Pero sinisiguro pa rin naman ng congresswoman ng Lipa na gagawa siya ng pelikula.

“I hope soon, pero ayoko nang mangako kung kailan. Kung ako ang tatanungin, gusto ko nga ngayon na, kaso iyong schedule talaga ang problema. Hindi ko rin naman mai-commit ang sarili ko sa sobrang trabaho. Alam ko kailangan na rin naman akong mag-slow down,” sabi pa ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …