Monday , December 23 2024

Kumusta ang kaso vs Cogie Domingo?

‘YAN ang tanong maka­lipas ang dalawang taon matapos ang isina­ga­wang buy-bust ope­ration ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Parañaque.

Magugunita na noong October 2017, ang dating aktor na si Cogie Domingo ay na­resto ng PDEA operatives matapos mahuli sa akto habang bumibili ng ilegal na droga o shabu.

Bukod kay Domingo ay arestado rin sa naturang buy bust ang 2 pa niyang kasamahan – isang babae na pinaniniwalaang girlfriend niya at isang lalaki.

Target umano ng operasyon ang kasamang babae ni Domingo at nagkataon na bumili rin ng hinihinalang shabu ang dating aktor sa nagsilbing poseur buyer ng PDEA.

Siyempre, itinanggi noon ng aktor ang akusasyon at sinabing na-setup lamang daw siya, pahayag ni Domingo:

“Hindi naman po talaga ako nagbebenta, hindi po gumagamit. Hindi po ako bumibili. Hindi ko po alam ‘yung ebidensiya laban po sa akin and sa totoo niyan, kumakain lang kami ng dinner at nagulat na lang po ako na ayun po, nagkaroon po ng mga pulis doon at nagkaroon ng hulihan.”

“Hindi po akin ‘yun. Hindi po sa ‘kin ‘yun. I believe na-set-up lang po, kaya ganoon,” dagdag niya.

Sa isang panayam kay Atty. Rod Domingo, ama ng dating aktor, sinabi nitong hindi raw gumagamit o nagbebenta ang anak ng ilegal na droga.

“I don’t know anything about this. I am the dad. I know Cogie has not been using or selling any drugs. Wala, he is not involved in any way sa drugs,” sabi ng ama.

Dagdag ng ama ni Cogie, dati na umanong sumailalim sa drug test ang anak at negatibo naman.

“When it was at the height that everyone is being suspected lalo na ‘yung mga artista, he voluntarily submitted himself to a drug test. It was negative. Two times ginawa niya ‘yun, not for anybody, on his own. It’s negative, I still have the results ‘til now,” aniya.

“Basta sa ‘kin lang kung anak ko ay ano (gumagamit), ako magpapakulong sa anak ko. Hihintayin ko pa ba ma-tokhang ang anak ko? Ako na mismo magpapa-rehabilitate,” dagdag nito.

Sa ating pagkakatanda, nakulong si Domingo sa Camp Vicente Lim sa Calamba City.

Aywan natin kung totoo ang nasagap nating balita na si Domingo ay nakikita umanong pagala-gala sa kabila na nasampahan siya ng kaso.

Dalawa ang isinampang kaso laban kay Domingo, may Case No. 2017-1735 at 2017, na bumagsak sa sala ni Judge Brigido Artemon Luna ng Parañaque Regional Trial Court.

Naabsuwelto ba si Domingo sa isinampang kaso ng PDEA laban sa kanya o pinayagang makapaglagak ng piyansa kapalit ng pan­samantalang kalayaan?

Abangan!

 

MGA TROPANG ‘LAPID FIRE’

CENEN SURIO (USA) – “Ako po ay isang tagasubaybay n’yo rito mula sa Chino Hills, California. Lagi po akong nanonood ng programa n’yo thru You Tube, I really like your style and how you talk and give comments sa mga issue ng bansa natin. Ang inyong programa po ang nag-uugnay sa akin sa kung ano-ano ang nagaganap diyan sa atin sa ‘Pinas. I would like to be a member of your Lapid Fire Chino Hills chapter. Ka Percy, kayo ang nagbibigay impormasyon sa amin dito. Kahit naghuhugas ako ng plato or kotse, kayo ang aking pinakikinggan at pinapanood. Sana mabati n’yo ako sa inyong programa.”

RICK BERNABE (California, USA) – “Ka Percy, I’m your ardent follower/supporter, San Diego resident and Lancaster resident, owned 2 residences. I have to watch you. I’m having a CABG/lima bypass at UCSD hospital tomorrow. Please pass on to all your viewers to refrain from steaks and too much fatty and saturated fats for their own health benefits. I don’t want anyone to go thru my case, refrain from much sodium too. I am very proud of you because you’re the only person in the world who speaks and tells the truth. I wish we have someone like you in America, you deserve a Nobel Prize. I’m a BSME graduate of Mapua, and retired US Air Force captain. Keep up the great work, you’re one of a kind. More power to you!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *