Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 fans, nagkaroon ng instant negosyo sa opening ng Sylvia Sanchez By Beautederm

MAAGANG Pamasko ang natanggap ng limang masuwerteng fans na dumalo sa opening ng 2nd branch ng Sylvia Sanchez by Beautederm sa Roces Ave., Quezon City na pag-aari nina Sylvia Sanchez at Ria Atayde. Natuwa kasi ang presidente/CEO na si Rhea Anicoche-Tan sa rami ng taong nagtungo sa shop ksya namigay siya ng limang business package worth P30K plus P2,000 cash.

Grabe ring kasiyahan ang naidulot nito sa mga nagwagi na nagkaroon ng instant negosyo.

Ayon nga kay Sylvia, “Second store ko na ito. Una sa Butuan. February 14 next year magbubukas kami ni Ria ng 3rd store namin.

“Actually kahit Sylvia Sanchez ‘yung pangalan nito, itong store na ito kay Ria ito. Sa kanya ito lahat. So, second store ko ito. 

“Next year mag-o-open kami ni Ria sa February sa SM Butuan sa pahintulot ni Ms. Rei Tan, ang aming CEO na napakaganda at napaka-big heart.

”Heto lang po, hindi na ako mag-e-explain sa inyo kung ano talaga ‘yung Beautederm, kung ano ‘yung ginawa nito sa buhay ko, ang gusto kong sabihin sa inyo, kung wala akong tiwala sa produkto na ito, hindi ako magkakaroon ng pangalawang store, pangatlo at soon magiging anim. 

Thank you Rei-Rei at Sam! Siyempre sa aking asawa si Art na walang ginawa kung hindi suportahan lang ako. Isa lang ang gusto kong sabihin sa Beautederm, Rei-Rei gusto kong makita soon number one ang Beautederm. 

“Isa lang ang gusto kong sabihin, level up Beautederm, pataas tayo nang pataas ha, gusto kong makita nasa taas ka. 

“And thank you sa umpisang tiwala sa akin na napunta kay Ria at Arjo, sa pamilya ko. Hindi ka lang boss ko, pamilya tayo, salamat! Basta ang dasal ko Rei-Rei, ikaw ang nasa top ng lahat, at mangyayari ‘yun. Thank you, thank you sa inyong lahat na nandito!”

Dagdag pa ng award winning actress,  ”Lahat ng mga produkto ng Beautederm nandito like premium set ‘yung mga sabon, cream, facial wash, hanggang sa pampabango sa bahay, ‘yung mga perfume, lahat nandito. Sa second floor mayroon po kaming services diyan, mayroong SPA at machines para sa facial treatments.

Starstudded ang opening ng second branch ni Sylvia sa pagdating mga ambassadors ng Beautederm sa pangunguna ng CEO na si Rhea, Lorna Tolentino, Ejay Falcon, Gabby Concepcion, Ryle Santiago and mom Sherilyn Reyes -Tan, Ken Chan, Pauline Mendoza, Rochelle Barrameda, Alma Concepcion, Maricel Morales, Jimwell Stevens, Jestoni Alarcon, Shyr Valdez, Anne Feo, Alex Castro, Kitkat, Dessa, at Alyana Asistio.

Dumalo rin at sumuporta ang Atayde family sa pangunguna ng very supportive husband na si Daddy Art Atayde at mga anak nilang sina Arjo, at Xavi. Naroon din ang buong pamilya ni Papa Art.

Nagsilbing hist ang PR man na sina Chuck GomezKuya Jimmy, at Smokey Manaloto. Present din sina Nova Villa, Liza Dino, Ice Seguerra, Ynez Veneracion, at Raikko Matteo, at ang manager ni Sylvia na si Annaliza Goma.

Ang Sylvia Sanchez by Beautederm located sa 68 Don A. Roces Avenue, Brgy. Obrero, Quezon City. Ito ay ika-96 store ng Beautederm sa buong Pilipinas.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …