Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, full support sa pagbabalik-showbiz ni Diego

OPEN si Sunshine Cruz sa pagsasabing all out support siya kay Diego Loyzaga. Si Diego ay anak ng dati niyang asawang si Cesar Montano sa aktres na si Teresa Loyzaga. Naunang naging syota ni Cesar si Teresa, at noong split na sila at saka naman siya nanligaw kay Sunshine. Dahil mas matanda nga si Diego, ang tingin ng mga anak ni Sunshine sa kanya ay elder brother talaga nila, kasi simula’t simula ay naging close naman si Diego sa mga anak ni Sunshine.

Noong nagkaroon ng problema si Diego, talagang concerned at todo suporta rin si Sunshine at ang kanyang mga anak. Ngayong nagbabalik showbiz na si Diego, sinasabi ni Sunshine na ganoon pa rin ang kanilang suporta sa kanya.

Alam din naman kasi ni Sunshine kung ano ang tunay na sitwasyon ni Diego. Sinasabi nga niyang mabait na bata naman iyon, at noong araw nga ay madalas sa tahanan nila. Pinapalakas din ni Diego ang loob ng kanyang mga kapatid lalo na noong bago pa lang humiwalay si Sunshine. Kaya naman hindi mo maiaalis sa kanilang pamilya na tumulong din kay Diego ngayong siya ang nangangailangan ng suporta.

Wala naman kasing iba pang mapaghuhugutan ng suporta si Diego kundi ang kanyang ina at ang kanyang Tita Sunshine, at ang mga kapatid.

Nakatutuwa naman ang ganyang magandang pagsasamahan. Hindi mo man masasabing magkakapatid silang buo, naroroon ang tunay na pagtitinginan ng magkakapatid. Maging sina Sunshine at Teresa ay nagkaroon nga ng special bond dahil sa kanilang mga anak.

Ine-endorse pa nga ni Diego ang mga kanta ni Angelina, ganoon din naman ang ginagawa ng anak ni Sunshine sa kanyang kapatid.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …