Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ano ang sakit ni Carla Abellana?

HINDI namin maiwasan ang magtanong, ano nga ba ang sakit ni Carla Abellana? Siya kasi mismo ang nagsabing sa edad na 33, napakasama ng kanyang health condition. Inamin niyang naospital pa siya sa Japan, pero hindi naman niya sinabi talaga kung ano ang masamang health condition na tinutukoy niya.

Noong makita namin ang post na iyon, at saka lang kami napaisip, matagal na nga pala naming hindi napapanood si Carla. Aba eh may panahong kabi-kabila ang serye niya. Magagandang roles ang nakukuha niya, at magaling naman siyang artista. Tapos lately naibibigay na nga ang roles sa iba na kung noong araw, iisipin mong dapat ay kay Carla. Ngayon nga lumabas na may sakit pala siya.

Maraming mga kaibigan niyang artista ang mabilis na nagparating ng wish na sana ay gumaling na nga siya, pero wala ring nagsabi sa kanila kung ano nga bang karamdaman iyon. Ano nga ba ang sakit ni Carla para mag-alala siya nang ganoon?

Kung sa bagay, bata pa naman si Carla, at maliban sa ewan nga kung anong sakit iyan, mukhang malakas naman ang kanyang katawan, kaya siguradong kung ano man ang health problems niya sa ngayon ay malalampasan niya iyan. Isa pa, maliwanag na alaga naman ang kanyang kalusugan at nasa ayos ang kanyang pagpapagamot.

Sana nga gumaling na si Carla dahil maraming roles ang naghihintay sa kanya. May mga role kasing mas magagawa niya nang maayos kaysa mga artistang nakakasalo ngayon ng mga iyon dahil wala siya.

Malakas din naman ang batak ni Carla sa audience. Mas nakatutulong siya sa ratings ng kanyang mga ginagawang shows.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …