Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ICAD, make or break kay VP Leni Robredo

MAAGANG sinimulan ang pagpapakawala ng mga negatibong open­siba laban kay Vice President Leni Robredo matapos tanggapin ang alok sa kanya ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte na pamunuan ang kam­panya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

Ang masaklap, hindi pa nakapagsisimula sa pagkakatalaga sa kanya bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), si VP Robredo ay agad nirapido ng mga nakaiinsultong reaksiyon mula sa mga kapanalig pa man din ng pangulo.

Lumalabas na kasalanan pa ngayon ni VP Robredo ang pagtanggap sa alok dahil wala silang lakas ng loob na kuwestiyonin ang wisdom at sinseridad ni Pres. Digs.

Para na rin nilang sinabi na walang koope­rasyon na maasahan si VP Robredo mula sa hanay ng mga kapanalig ni Pres. Digs sa ICAD.

Wala nga talagang mangyayari sa kampanya kontra droga kung ang ‘defeatist attitude’ ay magmumula sa mga kasama mismo ng pangulo.

Gaya ng malimit nating sabihin, si Pres. Digs ay hindi na nangangailangan ng oposisyon kung ang mga kasama pala niya ang mga lihim niyang kalaban.

Kung tutuusin, make or break kay VP Robredo ang pagtanggap sa alok na tungkulin, mistulang lubid na pambigti sa sarili.

Pero harinawa ay makialam ang tadhana at magtagumpay ang mabuting hangarin para sa kapakanan ng bansa at mamamayan.

Game na!

 

MUSICIAN-FOLKSINGER CHRISTOPHER CRISTOBAL PUMANAW SA JAPAN, 69

SUMAKABILANG-BUHAY noong nakaraang Biyernes (Nov. 1) ang kaibigan nating musician-folksinger na si Christopher “Chris” Cristobal sa edad na 69.

Natanggap natin ang balita mula sa anak na si “Tupe” o Chris Jr., ayon sa kanya, ang labi ng kanyang ama ay nakatakdang iuwi sa bansa matapos ang cremation nitong Martes (Nov. 5).

Mula pa noong dekada ‘90 nakabase si Chris sa Tokyo bilang musician hanggang sa kanyang pagpanaw.

Palakaibigan si Chris at mabait sa kanyang mga kasamahan sa hanapbuhay, lalo sa mga tulad kong noo’y baguhan at nagsisimula pa lamang bilang folksinger.

Sa aking pagkakatanda, kadarating ko pa lamang noon mula sa aking unang biyahe bilang entertainer sa Japan nang makilala ko si Chris sa Ermita, taong 1977.

Kilala na si Chris noon bilang isa sa mga pioneer folksinger na nagtatanghal sa mga sikat na folkshouse at pangunahing entertainment establishments sa Metro Manila, isa na ang dating El Bodegon sa Ermita na noo’y nagtatampok sa mga kilalang celebrities.

Hindi iba sa aming pamilya si Chris, kalaunan ay naging kaibigan rin siya ng aking mga kapatid at naging malapit sa aming mga yumaong magulang.

Nang mauso ang sing-along at karaoke bars noong dekada ‘90, tumamlay ang career ni Chris at ng working entertainers.

At noong dekada ‘90, muli kaming nagkita at nagkakasama ni Chris sa “I Love You,” ang noo’y pinakasikat na karaoke bar sa Ermita na dinarayo ng mga Japanese tourist at paboritong tambayan din ng mga musikero.

Sa nasabing karaoke bar naipakilala ng aming tropa si Chris sa isang Haponesa, matapos silang maikasal ay doon na siya nanirahan at patuloy na nagtrabaho sa Tokyo bilang musician.

Ang petsa para sa burol ay itatakda kapag naibalik na ang kanyang labi mula sa Tokyo bago siya ihatid sa kanyang huling hantungan.

Para sa detalye, tawagan ang anak na si Chris Jr. sa 09350857889.

Sa kanyang pamilya at mga naulilang mahal sa buhay, taos-puso kaming nakikiramay.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …