Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yen, okey lang makipagrelasyon sa bakla o tomboy

HANDANG main-love sa bading o tomboy ang lead actress ng pelikulang Two Love You na si Yen Santos.

Ani Yen, ”Seryosong sagot, opo. Siguro hindi lang sa bading maging  sa tomboy.

“May  mga bading kasi na mas nagiging lalaki pa kaysa tunay na lalaki.

“Ang pag-ibig naman kasi wala sa gender ‘yan , mai-in-love ka roon sa person hindi sa gender.

“Ako naniniwala na matututuhan mong mahalin ang isang tao kapag ibinibigay niya sa ‘yo ‘yung tamang pagmamahal, tamang respeto.

“Katulad ng character  ko sa pelikula (Two Love You) broke siya, lumaki siya sa grupo ng mga bakla, sanay siyang lumaban sa buhay, pero deep inside broken siya. Kasi hindi siya lumaki na hindi kasama ang kanyang mga magulang.

“At hindi niya  ini-expect na ‘yung mga kasama niya nang lumalaki siya, ‘yun ‘yung mga taong mamahalin niya.

“’Yung pag-ibig talaga natututuhan basta binibigyan ng tamang pagrespeto.”

Makakasama ni Yen sa Two Love You sina Lassy Marquez, Kid Yambao, Dyosa Pocko, Arlene Muhlach, Marissa Sanchez, at MC Muah, directed by Benedick Migue hatid ng Ogie D Productions, Inc., Lonewolf Films and CMB Services, Inc., distributed by Viva Films, showing in cinemas nationwide on Nov. 13.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …