HANGA kami kay Yorme Isko Moreno. Iyong P3-M na ibinayad sa kanya ng isang drug company para maging endorser nila, ipinadiretso na niya ang tseke sa local government ng Cotabato para sa mga biktima ng lindol. Sa tingin niya kulang pa iyon, kaya nang kausapin siya ng isang dermatologist para maging endorser din ng kanilang clinic, tinanggap niya agad ang offer at ipinadiretso rin niya ang bayad sa local government ng Cotabato. Kaya P5-M ang kabuuang halaga niyon.
Hindi iyan galing sa kaban ng Maynila. Hindi iyan tulong ng lunsod kundi personal na tulong ni Yorme Isko. Hindi ba dapat mahiya sa kanya iyong mga opisyal kahit na noong nakaraang panahon na ang tulong na galing sa iba ibinubulsa pa.
HATAWAN
ni Ed de Leon