Friday , November 15 2024

“Dennis the Menace” Ang ‘Hari ng Parking’ at sabungan sa Vitas

AKALA natin ay tapos na ang mga kalupitan at pagpapahirap na dinanas ng Maynila sa kamay ng mga alipores ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na masiba sa pera.

Hindi akalain ng mga Manileño na kahit pala nasipa na sa Maynila pabalik sa San Juan ang ‘poster boy’ sa pandarambong ay magpapatuloy din pala pati ang mga imoral at ilegal na negosyong napasimulan at naipatayo sa lungsod.

Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang ‘kilabot ng parking’ at illegal vendors na si “Dennis The Menace” ay makabalik pa sa Manila City Hall?

Si Dennis the Menace ang nagsilbing ‘bagman’ at katiwaldas na kolektor ng “tongpats” sa illegal vendors at illegal parking sa nakalipas na 6-taon ni Erap sa Maynila.

At ayon mismo kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, P5-M daw ang tongpats mula sa illegal vendors noong panahon ni Erap, kada araw.

Ang P5-M tongpats ni Dennis the Menace mula sa illegal vendors ay kanyang ini-entrega kay “Ma’m Laarni” sa isang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Kaya naman si Dennis the Menace ay mahal na mahal ng kanyang Ninong Erap dahil lahat ng raket na pagkakakitaan sa illegal parking ay siya ang umimbento.

Ang makikitid na kalsada ng Chinatown ay iginawa pa ni Dennis the Menace ng kontrata para sa advance monthly payment at exclusive parking ng bawat establisiyemento.

Sa kasalukuyan, ang clamping sa mga pumaparadang sasakyan ang pinagka­ka­abalahang gamitin ni Dennis the Menace at ng masisiba niyang tauhan habang ang towing – na noo’y naideklarang ilegal ng hukuman – ay hindi pa muling ipinaiiral sa Maynila.

Nitong Huwebes, sa pagitan ng 8:00 at 9:30 ng umaga, isang sasakyan ang maagang nabiktima ng mga masisibang garapata ni Dennis the Menace sa tapat ng Wu Shu Philippines, Rizal Memorial Coliseum sa gawing likuran ng Harrison Plaza sa Adriatico, Maynila.

Ilang minuto pa lang nakapaparada, sumugod na ang mga tauhan ni Dennis the Menace para kabitan ng clamping device ang unahang goma ng sasakyan.

Nakiusap ang may-ari ng naturang sasakyan ngunit sa malulupit na tauhan ni Dennis the Menace na matanggal ang ikinabit na clamping device.

Sa halip na pagbigyan ay walang walang pakundangang binalewala ng mga damuho ang pakiusap at mabilis silang sumibat.

Bale ba ay walang resibo maliban sa kapirasong papel na may sulat-kamay kung anong oras nila ikinandado ang gulong ng sasakyan.

Katagpo ng inyong likod ang may dala ng sasakyan, pero nang dumating tayo sa lugar, bandang 9:30 ng umaga, ay wala na ang mga gestapo ni Dennis the Menace.

Nagbakasakali kami na tumawag sa City Hall para maipakiusap ang sasakyan at sinabihan tayo na dalhin na lang ang papel na iniwan ng mga tauhan ni Dennis the Menace sa Central Market sa Quiapo.

Ipinagbilin sa atin na pagdating sa Central Market ay hanapin na lang ang isang nagnga­ngalang “Mayette” na kinausap na raw ng isang Bgy. Chairman Desiderio.

Si Desiderio umano ang kupitan, este, kapitan ng barangay na may sakop sa Central Market at tumawag kay Mayette.

Pero nang dalhin ng driver ang papel kay Mayette sa Central Market ay siningil siya ng P900 bilang bayad para matanggal ang clamping device na ikinabit nila.

Walang masama na ipatupad ang batas pero ang ipinagtataka natin, nadatnan natin na nakaparada sa lugar ang ibang mga sasakyan na hindi naman kinabitan ng clamping device.

Ikalawa, naroon pa ang may-ari ng sasakyan na dapat sana ay hinayaan nilang makalipat na lang ng ibang lugar na puwedeng paradahan.

Ikatlo, may mga guhit ang lugar na ang ibig sabihin ay sadyang nakatalaga na paradahan ng sasakyan.

Malamang ay pagsisihan ni Dennis the Menace kapag nalaman kung sino ang ating katagpo ng biniktima ng mga gago niyang tauhan.

Payo naman natin kay Desiderio, suwerte ang makakalaban niya susunod na eleksiyon dahil titiyakin ko na malaking boto ang mawawala sa kanya, promise!

Sa susunod, ang sabungan nina Dennis the Menace at ng kanyang Ninong Erap.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *