Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, sa Taiwan nag-birthday kasama ang pamilya

TAHIMIK na tahimik ang birthday celebration ni Congresswoman Vilma Santos. Ilang araw bago ang kanyang birthday, tahimik na umalis ang kanilang buong pamilya para mamasyal sa Taiwan, na roon na rin nag-celebrate si Ate Vi. Iyan ay matapos naman siyang magbigay galang kay Mama Santos, na ngayon nga ang unang Todo Los Santos na dinalaw nila sa libingan.

Sinamantala rin ng pamilya ang long weekend, at iyong ilang araw na nilang bakasyon bago pa iyon. Ganoon naman si Ate Vi taon-taon, kasi nga lagi namang mahabang bakasyon dito sa atin ang mga ganoong petsa kaya sinamantala naman nila ang holidays para magkasama-sama ang buong pamilya. Sinasabi nga niya, iyong mga ganoong pagkakataon lamang talagang masasabing  buong-buo ang kanilang pamilya dahil kung narito sila, pare-pareho silang busy sa kani-kanilang schedule, kaya kung magkasama-sama man sila, gabi na rin.

May addition pa sa pamilya, kasama na rin ngayon sa bakasyon si Jessy Mendiola, na matagal na rin namang syota ng kanyang anak na si Luis.

Sinasabi nga ni Ate Vi, gusto naman niyang ma-enjoy na ngayon ang kanyang birthday na kasama ang kanyang pamilya. Noong araw kasi, ang birthday niya ay laging akala mo isang malaking national event na dinadagsa ng napakaraming tao.Hindi na nga naman siya makapag-enjoy. Hindi na halos siya makagulapay sa pagod pagkatapos ng mga ganoong celebration.

Noong iwanan na niya ang kanyang tv show, natapos na rin ang mga ganoong malalaking celebration na nagiging isang public event nga.

Noong araw, kung saan-saang probinsiya pa nanggagaling ang mga Vilmanian na dumadagsang lahat sa kanyang tv show, na naroon man, hindi rin naman siya makita nang personal dahil hindi naman sila kasyang lahat sa studio. Ang nangyayari, naglalagay na lang ng malalaking tv sa labas para roon sila nanonood.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …