DAHIL sa tagumpay na naabot ng first sequel ng pelikulang Guerrero ‘di lang sa bansa maging sa ibang bansa na umani ng papuri at parangal, inihahatid ng EBC Films ang midquel nito, ang Guerrero Dos, Tuloy ang Laban na idinirehe ni Carlo Ortega Cuevas.
Ang Guerrero ay tungkol sa isang boksingero (Ramon played by Genesis Gomez) at ang relasyon nito sa kanyang kapatid na si Miguel na ginagampanan ni Julius Cesar Sabenario na nagwagi sa 2018 PMPC Star Awards For Movies for Best Child Performer of the Year na labis ang paghanga sa kanya.
At sa Guerrero Dos, Tuloy ang Laban naka-focus ang istorya sa challenges na pagdaraanan ni Miguel. Isa rito ang pag-aalaga sa kanyang Kuya Ramon na na-comatose at ang biglang pagkamatay ng kanilang ina.
Kung ilang beses ding tumulo ang luha ng mga entertainment press na nanoood ng advance screening ng Guerrero Dos, Tuloy ang Laban sa ganda ng istorya at sa husay ng mga artistang nagsiganap dagdag pa ang aral at inspirasyong hatid nito.
Kasama rin sa Guerrero Dos, Tuloy ang Laban Art de Guzman, Mia Suarez, Victor Neri at iba pa.
MATABIL
ni John Fontanilla