Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kita ng movie ni Sarah, apektado ng kawalan ng love interest

HALOS isang linggo na, pero hindi na nasundan ang kanilang pra la la na ang pelikula ni Sarah Geronimo ay kumita ng P5.1-M sa unang araw. Eh magkano nga ba ang kinita ng mga sumunod pang araw? Bakit parang hindi na sila excited sa resulta at hindi na nila iyon ipinagmalaki?

Maaari rin namang siguro nga happy na sila sa first day gross at wala naman silang hinahabol na box office records kaya ok na ang mga ganoong pra la la. Masyado lang naging obvious dahil paulit-ulit na sinasabi ang kinita nila sa first day.

Pero hindi ganyan ang dating box office performance ni Sarah eh. Siguro nga hindi naging ganoon ka-exciting iyon sa publiko dahil isipin ba naman ninyong wala siyang love interest sa pelikula kundi isang aso. Una, siguro nga wala na silang maisip na leading man para sa kanya, na ayos lang sa budget nila. Ikalawa, mahirap nang ihanap ng leading man si Sarah sa ngayon, dahil sino pa ba ang maniniwala eh kulang na lang na mag-live rin sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli?

Siguro nga ito ay tamang pagkakataon na rin naman para mapag-aralang mabuti ang itinatakbo ng career ni Sarah, lalo na nga’t ilang panahon na rin namang wala na tayong naririnig na hit song niya. Hindi kagaya noong una na ang mga kanta niya ay talagang maririnig mo sa mga tao. Iyan ay bunga na rin ng pagbabago ng teknolohiya. Kaya siguro nga dapat nang ipakete ng panibago si Sarah.

Mahaba pa rin naman siguro ang tatakbuhin ng career ni Sarah, kailangan nga lang ay isang malakas na promo back up, na mukhang hindi nagawa sa huli niyang pelikula, lalo na ang television support. Hindi pa rin puwede ang ginagawa ng marami na social media lang ang inaasahan.

Kung sa bagay, lumulusot naman, pero huwag kayong aasa nang napakalaking following kung makikita lang kayo sa social media at sa cable channels.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …