NGAYONG nasa bansa na si Julia Montes, naniniwala kaming dapat na niyang harapin ang mga issue na iniwasan niya noon. Mas maganda kung sasagutin na niya ang tanong kung totoo nga bang nagbuntis at nanganak na siya. Maraming naglabas niyan eh, at may mga unconfirmed reports pero detalyado.
Hindi ba may ginawa pang video report ang isang sandal blogger, iyong si Kapitana Sisa tungkol kay Julia. Nawala nga lang iyon nang matakot dahil pati si Liza Soberano na nananahimik eh pinagbintangan din niyang buntis, ayun muntik siyang mademanda.
Pero para kay Julia, kailangan ngayong sagutin niya iyan. Unfair para sa kanya na manatili ang tsismis kung hindi totoo. Unfair naman sa naging anak niya kung patuloy niyang itatago at ikakaila iyon kung may katotohanan naman.
HATAWAN!
ni Ed de Leon