WALANG say ang isang female star na nagpapantasya sa isang male actor model, dahil na-realize niyang wala siyang laban sa billionaire na sinasabing siyang apple of the eyes ngayon ni pogi. Transwoman si billionaire, pero kahit hindi tunay na babae, mas maganda naman siya kaysa female star na nag-aambisyon din sa male star. Lalo na nga nakikita siya ngayon kung minsan na walang make-up, aba eh mapagkakamalan din siyang isang worker sa mga POGO.
At saka iniiwasan na rin naman siya dahil sa hindi magandang reputation niya sa mga lalaking nakaka-date niya. Lumalabas na inaabuso niya ang mga nakaka-date niya. Sobrang hilig daw kasi ng female star na iyan na basta naumpisahan hindi na maawat. (Ed de Leon)