Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglabas ng mga eskandalo ng Barretto sisters, isinisi sa media

HINDI ako ang unang naglabas ng statement sa media,” sabi ni Marjorie Barretto sa lahat ng eskandalong nangyari sa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, na roon din ginanap ang cremation ng labi ng kanilang ama noong Sabado.

Media na naman ba ang sisisihin sa paglaki ng eskandalong nangyari sa burol?

Actually walang nakakausap ang lehitimong media sa mga nangyaring gulo, lalo na nga ang entertainment press. Noong mangyari ang unang gulo, mga reporter mula sa Malacañang na siyang nagko-cover sa presidente ang nakasunod doon. Unang lumabas ang balita sa mga news breaks sa radyo.

Pagkatapos niyon ang mga sumunod na balita ay galing na sa kanila mismong mga social media post. Sila ang nagkuwento sa publiko kung ano ang mga bagay sana ay dapat na pribadong usapan lamang ng kanilang pamilya. Sila rin ang nagdawit ng pangalan ng ibang tao sa gulo, kabilang na nga ang negosyanteng si Atong Ang at si Congressman Recom Echieverri. Nanatiling observer lamang ang media.

Sa kanila rin nanggaling ang kuwento ng part 2 ng umbagan na  nagkasugat-sugat at nakadama ng pagkahilo si Claudine, matapos pagtulungan umano ni Marjorie at ng anak na si Julia, at kailangang isugod sa ospital.

Sa mismong pamangkin nilang si Nicole nanggaling na siya ang girlfriend ni Atong na inagaw ng kanyang tiyahin. Kaya ngayon magsasalita na rin si Atong na hindi naman pala totoo iyon at siya ay taong may asawa at legal na pamilya.

Kung tutuusin, ang lahat ng eskandalo ay sila ang naglabas gamit ang kanilang mga social media accounts. Hindi ang lehitimong media.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …