Ang NUUK na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixon ang kauna – Filipino film na kinunan sa Greenland na hatid ng Viva in cooperation with the Embassy of the Kingdom of Denmark at sa napakahusay na direksiyon ni Roni Velasco.
Matatandaang si Direk Roni rin ang nagdirehe ng pelikung Through Night and Day na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis na kinunan pa sa Iceland.
Sa pelikulang NUUK, muling nagsama sina Aga at Alice na ilang dekada na rin ang nakalipas nang magsama sila sa movie.
At kahit nga grabeng hirap ang dinanas nila sa NUUK dahil sa sobrang lamig doon ay happy si Direk Roni sa resulta ng pelikula at saludo siya sa professionalism ng mga artista niya.
Ang NUUK ay mapapanood sa Nov . 6 sa mga sinehan nationwide, hatid ng Viva Films.
MATABIL
ni John Fontanilla