Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charo Laude, susungkitin ang titulo at korona ng Mrs Universe 2019

HANDANG-HANDA na ang pambato ng Pilipinas na si dating That’s Entertainment member Charo Laude sa  nalalapit na Mrs Universe na gaganapin sa December 22 to January 1 sa China.

Ayon kay Charo, “Gagawin ko ang lahat para makapagbigay karangalan sa bansang Pilipinas, pipilitin kong sungkitin ang korona ng Mrs Universe 2019.

As early as now sobra-sobrang paghahanda na ang ginagawa ko, mula sa mga damit na gagamitin from National Costume to Long Gown hangang sa pang-araw- araw na isusuot ko roon.

Pati question and answer, lakad ko pinag-aaralan ko rin para pagdating ko roon handang-handa na ako.”

At dahil aabutin ng Kapaskuhan  at Bagong Taon ang Mrs Universe 2019 ay isasama na ni Charo ang kanyang pamilya at doon na sila magseselebra ng Christmas at New Year.

Hiling nga nito sa sambayang Filipino na suportahan siya sa kanyang laban sa Mrs Universe 2019 at ipinapangako niya na gagawin ang lahat para makuha ang korona at titulong Mrs Universe 2019.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …