FINALLY, nakarating na rin sa Venezuela si Samantha Lo para katawanin ang Pilipinas sa Miss Grand International Pageant. Iyon ay matapos siyang ma-detain sa Paris dahil sa kakulangan ng travel documents. Hindi rin namin maintindihan kung bakit sinasabi ng DFA na wala silang records ng pasaporte ni Samantha. Sino ba ang nag-asikaso ng kanyang travel documents? Sino ang nagpapunta sa kanya sa Venezuela? Iyan ang isang bagay na napakahirap ipaliwanag, pero dapat ipaliwanag ng mga local organizer ng contest na iyan.
Ngayon lang yata nangyari na may beauty queen na naipa-deport pabalik sa kanyang bansa dahil sinasabing fake ang travel documents, at wala silang paliwanag kung paanong nangyari iyon.
HATAWAN
ni Ed de Leon