Monday , December 23 2024

13 ‘Ninja Cops’ itutumba?

NABABAHALA si da­ting Criminal Inves­tigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Maga­long sa seguridad ng 13 tinaguriang “Ninja cops” na sangkot sa ‘agaw-bato’ noong 2013 sa Pampanga.

Sa isang panayam, sabi ni Magalong:

“I hope that those involved in the 2013 drug bust in Mexico, Pampa­nga, will finally realize that they are on their own.”

Dahil sa posibleng panganib sa kanilang buhay, pinaalalahanan ni Magalong ang Philippine National Police (PNP) na matiyak ang kaligtasan ng Ninja cops, aniya:

“They have to make sure that nothing happens to them. Because only one is in jail, only Lt. Col. Rodney Raymundo Louie Baloyo. The rest are still performing functions as policemen or [on] floating status.”

Nangangamba si Magalong na matulad ang Ninja Cops sa sinapit ng mga dating kasamahang sibilyan, ayon sa kanya:

“If you look at the civilian agents involved, all of them are already dead, they were killed. Anything can happen.”

Ang babala ni Magalong ay dapat lang seryosohin at hindi dapat balewalain ng PNP hanggang maresolba ang kaso ng Ninja Cops at mapanagot sila sa nangyaring krimen.

At harinawa ay ‘di magkatotoo ang pangamba ni Magalong dahil lalong mahihirapan na maibangon ang mantsadong imahen ng PNP ‘pag nagkataon.

 

PANELO, NON-SENSE

SABI ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, “hearsay” lang daw at mahina ang testimonya nina Mayor Magalong at retired Gen. Rudy Lacadin na nagdiin kay dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde sa kaso ng Ninja Cops na sangkot sa ‘agaw-bato’ at recycling ng ilegal na droga.

Paano nasabi ni Panelo na hearsay ang testimonya nina Magalong at Lacadin gayong totoo naman na nangyari ang krimen sa Pampanga noong 2013?

Hindi ba’t ang punto sa mga rebelasyon nina Magalong at Lacadin sa Senado – kasama na ang tumutugmang pahayag ni Philippine Drug Enforcement (PDEA) Director General Aaron Aquino – ay kung bakit hindi naipatupad ang dapat sana’y ‘dismissal order’ laban sa 13 Ninja Cops.

Sa pagkakaintindi natin, ang pahayag ng mga dating PNP generals ay nagsasalaysay sa malaking “cover-up” at sa “question of propriety” ng umano’y effort ni Albayalde noon para impluwensiyahan ang resulta ng imbestigasyon laban sa kanyang mga tauhan.

Sabi ni Panelo, “As a lawyer, ang nakita ko kasi no’ng mga salita ni Mayor Magalong, with due respect to him, puro hearsay e — sabi ni ganito, alam ko ganyan, wala iyon e.”

Kailan pa naging barometro ng katotohanan si Panelo kung ang pag-uusapan ay kredibilidad bilang abogado?

Kaya naman pala si Estelito Mendoza ang abogado na kinuha ni Albayalde.

 

NAMATAYAN NA NGA

NAKASUHAN PA!

KINASUHAN ng libel ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board director Sandra Cam si Gng. Lalaine Yuson, maybahay ni dating Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III na tinambangan at napatay nitong nakaraang linggo sa Sampaloc, Maynila.

Si Cam ay deretsahang tinukoy ni Gng. Yuson na nasa likod umano ng pamamaslang sa dating bise alkalde.

Mabilis namang itinanggi ni Cam ang paratang at agad na naghain ng kasong libelo laban kay Gng. Yuson at ilang pahayagan.

Karapatan naman ni Cam at ng kahit sino ang mag-demanda basta’t may basehan.

Ang masaklap lang, kung sino pa ang namatayan ay siya pa ang unang nasampahan ng kaso.

Narinig nating nanawagan si Gng. Yuson kay Pang. Rodrigo “Digs” Duterte ng hustisya sa pagkamatay ng asawa.

Ang paghingi ng hustisya at katarungan ay malimit na nating marinig mula sa pamilya ng mga biktima ng krimen sa pagpatay.

Kailangan pa ba talagang makialam ang pangulo ng isang bansa para malutas ang kaso at matamo ang hustisya?

Kung gayon, may malaking problema tayo dahil ang konsensiya ay hindi nabibili sa tindahan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *