Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim De Leon, gustong maging Spiderman

PANGARAP ng Starstruck Season 7 Ultimate Male Survivor, Kim de Leon ng Balayan, Batangas na makagawa ng pelikula ukol sa superhero na tulad ng SpidermanCaptain Barbel.

Ani Kim, “Noong bata pa ako, ang pinaka-pinanonood ko ‘yung ‘Captain Barbel’ (pinagbidahan ni Richard Gutierrez), sobrang naaliw ako roon.

“Pero ang pinakagusto ko talaga ‘yung ‘Spiderman,’ simula pa kasi noong napanood ko ‘yung pelikulang ‘yan, ‘yung trilogy, naging fan na ako talaga.

At ‘yung character niya as Spiderman and Peter Parker makikita mo ‘yung difference, ‘yung strugle niya as Peter at damay doon ‘yung pagiging spidey niya.

“Parang ‘pag nag-artista ka, marami ang nakakikilala, pero sa bahay naman as Kim De Leon na normal lang talaga, kaya parang nakikita ko siya sa sarili ko.

“Pero ‘pag Pinoy Super Hero naman na ako ang magki-create para sa akin, ang gusto ko simple lang ‘yung powers, ‘yung super hero na nakatutulong sa pamilya at mga taong nangangailangan ng tulong.”

Bukod sa pagiging super hero, gusto rin ni Kim na mabigyan siya ng iba’t bang proyekto katulad ng drama, romcom, at comedy.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …