Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Imelda Papin, marunong pa ring tumanaw ng utang na loob sa dating manager

SA October 26, 2019 magkakaroon ng concert ang Jukebox Queen and multi-awarded performer and entertainer, Imelda Papin sa Philippine Arena.

Bale ika-45 anniversary na ni Imelda sa industriya. Ang concert ay prodyus ng Dream Wings Production and Papin Entertainment  Productions.

Maraming mga sikat na singer ang makakasama ni Mel sa pinakabonggang concert.

Ilang entertainment writers ang nakita naming teary eyed nang akayin ni Mel ang kanyang dating manager/discoverer na si June Quintana. May karamdaman kasi ito at sinikap makarating sa presscon ni Mel na ginawa sa Mesa Restaurant sa Tomas Morato.

Ipinahatid ni Mel si June sa kanyang body guard sa bahay nito sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa totoo lang mayroon pa kayang ganitong pag-uugali na kahit sumikat marunong tumanaw ng utang na loob.

Masaya si Mel na nanalo siya sa Camarines Sur, ang bayang sinilangan niya. Pangarap kasi niyang mapaglingkuran ang mga kababayan at hindi rin niya iiwan ang mga kapatid sa showbiz bilang pangulo ng Actors Guild.

Showbiz, nagluksa sa pagkawala ni Amalia

NAGLULUKSA ang showbiz sa pagyao ng  dating tinaguriang Movie Queen, si Amalia Fuentes. Marami ang nalungkot lalo na iyong mga Amalian.

Maraming fans ang agad na nagbantay sa burol ng kanilang idolo na parang hindi sila nakakaramdam ng puyat at pagod sa pagsalubong sa mgga bumibisitang nakikiramay.

Si Amalia ang itinuturing na Liz Taylor of the Philippines at may pinakamagandang mukha sa showbiz. Walang retoke sa kanyang kagandahan hindi tulad ngayon likha ng siyensiya.

Si Nino Muhlach ang nakabantay kay Nena bukod sa nag-iisa ng kapatid ng aktres, si Alex, ama ni Nino at amain ni Aga Muhlach.

Matagal na bed ridden si Nena kaya masakit man sa mga naiwan niya, masaya na ang aktres na makakasama na niya ang nag-iisang lalaking minahal niya, si Romeo Vasquez at nag-iisang anak, si Liezl Sumilang. Lubhang nakalulungkot isipin muli silang nagtagpo pero sa mundo ng kalangitan.

Melanie, pinagmu­mukhang baklang taga-karnabal

MAY mga nagtatanong, bakit naman daw  ginawang parang baklang taga-karnabal si Melanie Marquez na isang beauty queen sa seryeng One of the Baes?

Ang ganda-ganda pa naman ng mga outfit ng aktres pero nasasayang dahil sa walang kuwentang pagdi-display nito.

May nagtataanong din kung bakit pumayag si Roderick Paulate na gumanap pa ng bakla na hindi na uso ngayon.

Sana naman pagandahin ang role ng mga artista, nasasayang kasi ang ganda ng istorya ng One of the Baes.

Pakulo nina Vice at Ion, nakasasawa na

NAKASASAWA na rin ang pakulong love story nina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa totoo lang, walang forever na hahantungan ng ipinakikita nila sa publiko dahil pareho sila ng gender.

Sabi pa ng mga tagahanga nila, nakauuta na at nakauumay na. Tama na po please   Ate Vice.

***

BIRTHDAY greetings to  October born celebrities- Cesar Montano, Liza Lorena, Pamela Ortiz, Manny de Leon, Eugene Asis, at Theo Serrano.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …