Tuesday , November 26 2024

Pasiklab na ‘bagman’ nagregalo ng Lexus sa nililigawang Pinay

USAP-USAPAN ngayon ng mga kababayan nating Pinoy sa California ang isang alyas Jojo na animo’y may sariling Central Bank kung makapagwaldas ng salapi sa Estados Unidos ng Amerika.

Naging palaisipan ang maluhong paggasta ni alyas Jojo ng limpak na dolyares sa US of A hanggang ang balita ay kumalat sa Filipino community na siya ay ‘bagman’ ng isang mataas at aktibong opisyal sa Philippine National Police (PNP).

Si alyas Jojo ay dumidiskarte, as in nanliligaw, pala sa isang Pinay beauty na naka-base sa nabanggit na Estado ng Amerika.

Kamakailan lamang, ikinagulat ng Filipino community ang regalo na kanyang binili para sa nililigawang Pinay beauty.

Nagpasiklab siya sa nililigawan na ibinili ng bagong sasakyan – isang high end Lexus – na binayaran ni alyas Jojo nang cash.

Ang problema ay kung paano ipaliliwanag ng Pinay sa Internal Revenue Service (IRS) ng US gov’t kung saan galing ang ipinambili sa sasakyang iniregalo sa kanya ni alyas Jojo?

Duda ang ating mga kababayan, si alyas Jojo ay hindi lamang kolektor ng PNP official sa pangongotong ng pitsa mula sa mga ilegal, kung ‘di posibleng sangkot din sa paglalabada ng kuwarta sa Estados Unidos ng Amerika.

Hindi kaya si alyas Jojo ay ginagamit ng PNP official para maitago ang kuwestiyonableng income na kinikita mula sa mga illegal na gawain?

Walang dapat ipagtaka kung nailulusot ni alyas Jojo ang pera palabas dito, pero ang hindi natin alam ay kung paano siya nakapagpapasok ng maruming salapi na hindi nakukuwestiyon ng US gov’t.

Ang alam natin, mahigpit sa pagpapatupad ng batas laban sa money laundering at currency smuggling ang US gov’t.

Ayon sa ilang impormante, bukod sa pagiging kolektor ng ‘tongpats’ para sa PNP official, si alyas Jojo rin ang tinaguriang ‘call-a-friend’ na gumigitna sa mga Tsekwa na sangkot sa “mining” at “online gambling.”

Si alyas Jojo rin ang “right connect” na malakas lumakad ng lisensiya at permit to carry firearm outside residence (PTC) sa Camp Crame.

Pawang bigtime ang mga client ni alyas Jojo, nakapagreregalo siya ng high-end Land Cruiser sa mga opisyal kapalit ng hinihinging pabor para sa mga Tsekwa na sangkot sa mining at online gambling business.

Alam natin na sa malao’t madali ay matitimbog din siya ng US gov’t, sakaling may katotohanan ang suspetsa ng Filipino community sa California.

Sa lungsod ng Parañaque raw unang sumikat noon si alyas Jojo bilang tongpats collector sa area ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Pero bago siya malambat ng US gov’t, sana ay ipahanap din nina Sen. Richard “Dick” Gordon at Sen. Panfilo “Ping” Lacson si alyas Jojo at ipatawag ng Senate Blue Ribbon Committee para tanungin sa pakay ng kanyang malimit na pagbiyahe sa USA.

Abangan!

 

USEC SA MALACAÑANG SUMANDOK NG P16-M

SINO naman itong Undersecretary sa Malacañang na iniimbestigahan sa pagsandok ng malaking pondo?

Trending sa social media post, natuklasan daw kamakailan ng internal auditor ang P16-M na kinuha ng Usec.

Isang American lawyer umano ang may hawak ng dokumento na magpapatunay kung gaano kawalanghiya ang Usec.

Naiparating na raw ang katarantadohang pinaggagagawa ng Usec sa tanggapan ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte bago tumulak para sa isang linggong pagbisita sa bansang Russia.

Ipinagtataka raw ng abogadong Kano kung paano naitalaga sa puwesto ang damuhong Usec na tinawag pang sira-ulo.

Kunsabagay, marami naman talagang sira-ulo sa gobyerno.

Pero ang masaklap lang ay hindi nila alam na sira-ulo sila.

Santisima!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *